Janine, walang angal sa trabaho kaya paborito ng mga Kapuso

By

EWAN kung may announcement na ang GMA 7, pero sa pagkakaalam namin, ang Full House Tonight ang papalitan ng bagong season ng Celebrity Bluff kung saan makakasama na ni Eugene Domingo si Edu Manzano.

Syempre, may Mulawin vs. Ravena primetime telefantasya na ang Full House Tonight host na si Regine Velasquez-Alcasid at ratsada rin siya sa taping no’n, pati sa Sarap Diva.

Kaya kailangan ding may i-give-up na show muna ang Asia’s Songbird!

Ngayon lang kasi nangyari na tatlo ang shows ng misis ni Ogie Alcasid, so, magbabawas muna ng isa si Regine.

Anyway, ilang weeks pa sa ere ang Full House Tonight, kaya mae-enjoy pa rin ng fans ang pagpapatawa at pagkanta ni Regine.

Bukas, si Regine ang kakanta ng theme song ng Mulawin vs. Ravena sa Full House Tonight at may duet siya kasama si Yanni, ang anak ng kumpare niyang si Michael V.

***

For a while, walang masyadong trabaho si Lovi Poe dahil wala rin siyang regular show sa GMA 7.

Sa pagpasok ng Mulawin vs. Ravena, halos araw-araw na naman ang trabaho niya dahil may pelikula rin siyang tinatapos sa Regal Entertainment, ‘yung Woke Up Like This nila ni Vhong Navarro.

Kahit halos araw-araw ang trabaho ni Lovi, blooming pa rin ang dalaga.

Obvious na ang rumored boyfriend niyang French businessman na si Chris Johnson ang dahilan, ‘noh?!

Ang alam namin, hindi pa sinasabi ni Lovi na boyfriend na niya si Chris, pero obvious ‘yon sa mga kilos nila!

Going back to Woke Up Like This, next week na ang last two shootings days ni Lovi para sa pelikulang ‘yon, kaya mas magkakaroon na siya ng time for Chris, este, sa taping pala ng Mulawin vs. Ravena.

***

Isa si Janine Gutierrez sa sobrang inaalagaan ng GMA 7.

Hindi pa man tapos ang Legally Blind, may bagong show na si Janine.

Ayon sa mga taga-Kapuso network na nakakatsikahan namin, paborito nila si Janine dahil hindi mareklamo ang dalaga nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Kahit madalas na puyatan sa taping ng Legally Blind, walang reklamo si Janine kahit segue siya sa ibang trabaho.

Last week, nakita namin sa isang look-test for a new show si Janine.

Nalaman namin na nanggaling pa siya sa taping ng Legally Blind at dumeretso na roon.

***

Nakita namin sa Promenade, Greenhills ang isa sa Meant To Be leading men ni Barbie Forteza na si Ken Chan.

Inusisa namin si Ken kung ano ang reaksyon niya na buking na ang relasyon nina Barbie at Jak Roberto.

“Sila na ba?!” maang-maangang sambit ni Ken.

Sabi namin kay Ken, umamin na ang nanay ni Barbie na si Mommy Amy, kaya huwag na siyang magdrama pa.

Natawa ang binata sa sinabi namin.

Sabi pa namin kay Ken, alam namin na hindi siya nanliligaw kay Barbie, eh!