JANELLA, NAGULAT SA MGA HANASH NG INA

By

NAG-RENEW ng kontrata si Janella Salvador sa Regal Films kahapon nang tanghali sa gitna ng paghambalos ng bagyong si Maring sa Kamaynilaan.

Nagpapasalamat si Janella dahil magaganda ang projects na inihahanda ng Regal sa kanya.

Isa na sa aabangan ay ang My Fairy Tail Love Story na balak nilang isumite sa sa Metro Manila Film Festival.

May kakaibang twist ang kuwento nito kaya limitado ang kuwento ng Kapamilya young actress.

Kakaibang mermaid story ito na feel good lang, at mas kilig-kiligan ang loveteam nila ni Elmo Magalona.

Doon sa contract-signing ay mahigpit na ipinagbiling huwag nang tanungin si Jannela tungkol sa isyu nila ng kanyang mommy.

Sa social media idinaan ni Jenine Desisderio ang hinaing niya kay Janella.

Marami ang nakabasa sa mga hanash nito sa Twiter account, pero ayaw na itong sagutin pa ni Janella.

Ang sabi lang ng mga taong malapit sa kanya, inaayos nila na hindi na lumaki ang isyu nilang mag-ina.

Iniiwasang pa-usapan pa ito ni Janella. Kaya kahit nasisingit pa ring itanong ito sa kanya, tumatanggi na siyang magkomento.

Nagulat daw siya sa mga ipinost ng Mommy niya, pero ayaw na niyang magsalita pa.

“Siyempre, lahat naman tayo nagulat, I’d rather not to make a statement about it kasi ayoko pang lumaki pa yun.

“I believe naman malapit na maayos, eh. In God’s time, maayos eh,” safe lang na sagot ni Janella.

Napangiti lang siya nang tinanong siya sa ilang eksenang ginawa nila ni Elmo sa My Fairy Tail Love Story.

Kinumusta namin sa kanya ang ganda ng katawan ni Elmo sa ilang eksena na kung saan naka-topless ang young actor.

“What can I say about it?” matagal siyang nag-isip at napapangiti.

“Wala akong masabi eh. Hindi ko kasi siya tinitingnan pag nagsu-shoot kami na nakahubad siya. Nahihiya ako.

“Pag may damit na siya, tinitingnan ko siya,” sabi ni Janella.

Hindi siya sanay na tinitingnan ang hubad na katawan ni Elmo, lalo na’t bongga ang guwapitong binata.

Sabi ng ilang staff doon sa shooting, ta­lagang bongga at may maipagmamalaki si Elmo,kaya siguro naaasiwang tingnan siya ni Janella.

Marami ang nagsasabing huwag nang hintayin ang MMFF, dahil tiyak na papatok sa takilya itong pelikula ng magka-loveteam na Elmo at Janella.