Janella, ipinaglaban si Elmo

Alex, choosy pa sa role

By
1957

TULOY na ang Elmo-Janella team up sa Regal Films under Direk Jun Lana na My Fairy Tail Love Story.

Gaano katotoo na si Janella ang nag-insist na si Elmo ang makasama niya sa project?

Teka, sila na ba?

Fishing ba tayo?

O Fish Be With Them na lang kasama na sa mommy ni Janella na si Jenine Desiderio?

***

Gaano katotoong tumanggi raw si Alex Gonzaga sa isang pelikula dahil ayaw pa raw niyang gumanap ­bilang isang babaeng may ­asawa.

Teka! ‘Di ba, dapat magpasalamat si Alex na may nag-o-offer pa sa kanya ng pelikula samantalang walang ­plano sa kanyang i-build up ng Star Cinema at ipinahihiram na lang siya sa ibang production.

Hayyy, naku, Alex!

***

Malaki na raw ang pinagbago at yumabang ang theater actress na si Kim Molina, sabi ng mga kasamahan niya sa teatro.

Hindi porke’t nagka-TV project siya at pinansin na raw siya finally ng Viva para magpatawa ay dapat mag-attitude na siya at maging mahangin.

Sabi ng mga taga-teatro, ibabalik nila’t ­ibabalik sa realidad ang katulad ng starlet na ­sobrang makaasta tulad ni Kim Molina.

Ai Ai, wagi sa QWFF

Best Female Actor si Ai Ai de las Alas sa 7th Queens World Film Festival ng New York para sa pelikulang Area.

Ani Ai Ai, ­“Maraming salamat Queens World International Film ­Festival Awards para sa pagkapanalo ko.

“Pagkagising ko at sinabi ni Gerald, ­natulala ako sabay iyak sabay luhod at ­umiyak sa ­pasasalamat at ­nanginginig pa katawan ko…

“Nais ko, ­ibahagi din sa aking mga ­co-nominated na mga sa ibang bansa. I want to ­dedicate this award sa mga anak ko, Sancho, Shaun, Sophia, Andrei at kay darl Gerald.

“Kayo ang inspirasyon kong maging mahusay sa trabaho ko. Sa ­aking pamilya, kay ­Mother Justa, salamat mama at sa lahat ng mga nagmamahal at nagdasal para sa akin. Maraming maraming salamat po.”