Jane at Kyle Secades wala pang balak pakasal

By

MAY dalawang taon na rin pala ang relasyon nina Jane Oineza at Kyle Secades, former Pinoy Big Brother housemate.

Kaya nga nang matanong sa presscon ng Regal Films si Jane tungkol sa break-up pa nila ni Jeron Teng, hindi na talaga niya­ sina­got dahil sobrang old news na nga naman.

Mukhang happy si Jane sa relasyon niya kay Kyle. At kahit nagpo-post naman sila sa kanilang social media account, nagagawa pa rin daw nila na tahimik lang din.

“Siguro ano lang kasi­, ayoko lang na – before kasi parang every article about lovelife.

Gusto ko rin naman na hindi lang ‘yun ang naio-offer ko. So tina-try ko na kapag sinabi mong Jane, hindi ‘yun lang. Hindi about lovelife lang.”

Still, hindi naman daw siya nagtatago o nagde-deny.

“Seryoso, seryosong-seryoso,” ang sagot ni Jane nang tanungin namin kung gaano nga sila­ kaseryoso sa relasyon nila.

Ang pinaka-nagustuhan daw ni Jane sa boyfriend ay kaya niyang maging totoo sa kung sino siyang talaga.

“No pretension. And he supports me with what I do. And he makes me laugh.”

21 pa lang si Jane at kahit daw siyempre, kapag pumapasok siya sa relasyon ay seryosohan naman, still matagal pa raw bago yung kasal talaga.

Anyway, isa nga si Jane sa may entry ngayon sa 2017 MMFF at siyang pinaka-bida ng Haunted Forest, ang nag-iisang horror movie.

Aminado itong may pressure na nararamdaman.

“Siyempre kinakabahan ako lalo na nu’ng makita ko ang line-up ng mga movies. Siyempre bigatin ang mga kasabay, sila na ‘yung nasa MMFF every year at ngayon nabig­yan kami ng opportunity to be part of that list.

“Nakaka-pressure pero alam ko na binigay namin ang best namin.”

Stars selfie sa MRT in na in

HALOS araw-araw, mababasa sa social media ang rants ng iba’t ibang Pinoy sa trapik at hindi absuwelto rito ma­ging ang mga artista.

Eh, ‘di ba nga, ilang artista na ba ang nakatuwaang mag-selfie habang walang choice kung hindi ang sumakay ng MRT dahil late na sila sa kanya-kanyang schedules.

Ilan sa mga ito ay sina­ Vice Ganda, Anne Curtis, Coleen Garcia, Jose­ Manalo, Wally Ba­yola, Paolo Ballesteros at iba pa.

So, tingin namin, ins­tead na rants, matutuwa­ sila ngayon sa DPWH Secretary Mark Villar dahil sa napakagandang mga proyekto na mas mapapadali ang biyahe.

‘Yung bagong bubuksan na road na lang sa Baguio­ ay magiging 3 hours na lang from Manila to Baguio­ ang biyahe.

At hindi lang Manila to NLEX or Manila to SLEX ang mga gagawin, maging sa ibang mga malalaking probinsiya na apektado na rin ng traffic.

Angeli walang ambisyon sa mainstream

SIMULA ngayong December 8, walong SM cinemas ang exclusively, mapapanood ang Maestra­. Ang Maestra ay dinirek ni Lemuel Lorca na prinodyus naman ni Dr. Carl E. Balita.

Ang walong SM cinemas na ito ay ang SM Megamall, SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall at SM Bacoor.

Kapapanalo ng award internationally ng Maestra sa Five Continents International Film Festival sa Venezuela.

Special Mention ito sa Best in Screenplay at nanalo naman si Anna Luna as Best Actress.

Nakausap naman namin si Angeli Bayani na gumaganap bilang isa sa mga aeta na teacher­ sa movie.

Noon lang namin nalaman na hindi lahat ng indie actors, ang ultimate dream ay makapag-crossover sa mainstream.­

Para sa kanya, hindi ang makagawa ng projects sa mainstream­ ang katuparan ng pangarap niya.

Laking teatro rin si Angeli at nanalo na rin ng mga award pero­ para rito, na-achieve na raw niya­ ang pangarap niya.

‘Yung recognized naman siya bilang isang mahusay na aktre­s at nakasama ang ilan sa mga pinapangarap lang daw niya­ noon na makasama tulad nila Cherrie Gil.

Naidirek na rin daw siya ng mga nirerespetong director tulad ni Lav Diaz kaya para sa kanya, nakuha na rin niya ang pinangarap dati.

“Before po kasi ang panga­rap ko talaga, maging mahusay na aktres. Makasama ‘yung magagaling. I think, nagagawa ko naman po ‘yun.”

Wala raw isyu si Angeli sa mga dating nasa teatro at indie na ang goal ay ma-penetrate ang mainstream.

Kanya-kanyang pangarap naman daw ‘yun.

Hindi rin naman daw niya sinasabing hindi niya gusto pero­ ‘yun nga, hindi ‘yun ang lara­wan para kay Angeli kaya siya nasa pag-arte.