JAKE, NAGHIMUTOK KAY ANDI

‘Nakain ko na ‘yung pride ko!’

By

Jinggoy Jv
Jinggoy at JV, NAGNGITIAN at nag-akbayan sa b-day ni Erap

PINAGBIGYAN ng Sandiganbayan ang dating Sen. Jinggoy Estrada na dumalo sa 80th birthday celebration ng kanyang amang si President-Mayor Joseph Estrada kamakalawa sa Manila Hotel.

5:00-8:00 PM doon si Sen. Jinggoy kaya masayang-masaya ang buong pamilya lalo na ang may kaarawan.

Star-studded ang selebrasyon na sinaluhan ni Pres. Rodrigo Duterte.

Matagal-tagal doon si Pres. Digong dahil bandang huli pa siya nagbigay ng mensahe para kay Mayor Erap.

Masaya ang programa na ilan sa mga nag-perform ay sina Martin Nievera, Lani Misalucha at Sarah Geronimo.

May special number ang mga apo na kabilang doon si Ellie na anak ni Andi Eigenmann kay Jake Ejercito.

Isa sa highlights ng selebrasyon ay ang production number ng mga anak kung saan ang pinakahuling lumabas ay si Sen. Jinggoy na kinanta ang Tanging Yaman na iniba lang niya ang lyrics para sa kanyang Daddy.

Pagkatapos niyang magbigay ng mensahe, at nagpasalamat sa Sandiganbayan na pinayagan siyang lumabas, lu­mabas na ang iba pang kapatid para kumanta ng finale number nila.

Nakatabi ni Sen. Jinggoy si Sen. JV Ejercito at doon nagngitian ang dalawa.

Inakbayan ni Sen. Jinggoy si Sen. JV. Marami ang natuwa sa pagbabati ng dalawa.

Hindi kami sure kung ginawa lang nila ito para sa ikatutuwa ng kanilang ama.

Masayang-masaya si Mayor Erap nu’ng gabing iyun at pinasalamatan ang lahat na dumalo lalo na si Pres. Duterte na nagtagal sa naturang selebrasyon.

Bago nagsalita si Mayor Erap, nagsalita si Pres. Duterte para magbigay sana ng mensahe sa celebrator pero iba ang mga pinagsasabi nito.

Doon lang daw niya ilabas ang mga kinikimkim niya na gusto na niyang ilabas.

Muling binatikos ng presidente ang ABS-CBN at binanggit pa si Gabby Lopez na minura nito. Pati ang Inquirer, na minention pa si Ms. Mary Prieto at ang Dunkin’ Donuts.

Narinig uli namin ang mga hanash niya laban sa droga at pati ang media ay inalipusta nito.

Bago natapos ang halos isang oras niyang talumpati, binati niya si Mayor Erap para sa kanyang 80th birthday.

***

Jake Ellie
Jake, feeling STAGE DAD kay Ellie

Doon pa rin sa birthday ni Mayor Erap ay nakausap namin si Jake Ejercito na tuwang-tuwang pinapanood si Ellie na kumakanta sa stage.

May pagka-stage Dad ang feeling niya noong gabing iyun dahil first time raw niyang napanood si Ellie sa stage.

Hindi kasi siya nakadalo sa graduation nito, kaya doon lang daw niya nakitang nag-perform sa stage ang kanyang anak.

Hindi niya binanggit si Andi, pero nagpapasalamat siya dahil pinayagan si Ellie na makasama nila sa selebrasyong iyun.

“We’re very grateful na napahiram sa amin si Ellie for this very special occasion, kasi, ‘di ba once in a lifetime na mag-80 ang Dad ko, it’s a milestone. Very thankful naman kami na kasama namin si Ellie tonight,” pahayag ni Jake.

Sabi pa niya, “I’m so proud that she was able to go up stage with her cousins na most of them, ngayon lang niya nakilala.

“I just told her na to keep on smiling and just don’t mind those people and just look at your Dad lang.”

“No comment” lang ang sagot ni Jake nang tinanong namin kung okay na ba sila ni Andi.

Hindi pala niya nakakausap ang young actress dahil ang kapatid niyang si Jerika ang nakakausap ni Andi para hiramin ang bata.

Tuloy pa rin ang isinumite niyang petition niya sa korte na Joint Custody kay Ellie dahil sabi niya, karapatan niya bilang ama para makasama ang kanyang anak.

“I think it’s only right for a father to spend time with his daughter.

“We’re not asking for much. That’s very important for a child’s formative years,” pakli ni Jake.

Pinag-react namin si Jake sa sinabi ni Andi na kung mapag-usapan nila ito, wala raw problema.

Siyempre bilang ina, gusto niyang may kinikilalang ama ang kanyang anak.

Sagot ni Jake, “Hindi aabot sa ganito na magpa-file kami ng case kung nakakausap siya nang maayos.

“We tried going through a lot of people.

“Actually, we started preparing for a case late last year pa, but hindi naman tinutuloy kasi we’re hoping na mapag-usapan.

“So, it’s a bomber na pinapalabas nila na hindi ka marunong makipag-usap. You can ask Boss Vic of Viva, ang dami na na­ming tinry na mag-course through other people pero wala.”

Sinubukan daw niyang kausapin si Andi pero wala raw nangyari.

“You know, nakain ko na ‘yung pride ko basically. And now you hear her saying na heartless ang mga Ejercitos.

“It’s over genera­lization. Dinamay na niya buong pamilya ko. It’s really…hindi ko maintindihan saan nanggagaling,” himutok ni Jake.

Ang pagkakaalam niya, may reply affidavit na si Andi pero hindi pa raw niya ito nababasa.

In-enjoy nang husto ni Jake na nakakasama niya si Ellie, dahil bihira pa rin daw niya itong nakakasama.

Kung hindi raw once a month, suwerte na raw kung twice a month. Kaya gusto raw niyang masaya lang sila ‘pag magkasama sila.

Nakikita raw niyang hindi ito apektado sa isyu ng kanyang magulang.

“You know, she’s a very lo­ving and fun kid.

“Kasi, bihira na nga kami magkita. So, gusto ko ‘yung time namin very positive,” tugon ng binatang anak nina Mayor Erap at Laarni Enriquez.