Abante Tonite Interactive

Jake, mas may laban sa LOWER PART

By
110

BREAK na si Jake Vargas at ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Ang rason ni Jake, career muna ang aatupagin niya kaya okey lang na loveless siya ngayon.

Kailangan din daw kasi niyang magtrabaho para sa pamilya niya.

Bet na bet namin ang cute face ni Jake na maamo at mukhang ang bait-bait, kaya lang ay medyo kinulang siya sa height.

Kaya rin siguro parang nag-aalangan siyang magpa-sexy gaya ng ibang Kapuso young actors.

24 years old na si Jake, pero mukha pa rin siyang teen star.

Sa Oh, Boy! concert nila nina Aljur Abrenica, Rocco Nacino at Derrick Monasterio, aminado si Jake na hindi niya kayang makipagsabayan nang paseksihan sa tatlo.

Ang sabi sa amin ni Jake ay nagpu-push ups siya sa bahay at flat naman ang kanyang tiyan kahit wala siyang six-pack abs.

Pinaghahandaan niya rin ito, so may chance na mambigla na lang siya sa Music Museum ‘pag nagkakantiyawan na maghubad silang apat.

Puwede siyang mag-­boxers. Parang mas keri niyang gawin ‘yon kesa magtanggal ng shirt.

Kaya hirit namin kay Jake, baka doon siya mas may laban, sa lower part at hindi sa upper part ng kanyang body?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Siguro!” tawa niya, na na-gets agad ang gusto naming sabihin.

Excited na siyang maggitara sa stage. Ang karakter na natoka kay Jake ay pizza boy.

Sabi namin sa kanya, mas okey kung isang slice na pizza lang ang suot niya, pantakip sa harapan niya.

Natawa lang din ang binata at napadayalog ng, “Puwede! Ha! Ha! Ha!”

Lahat ‘yung tatlo (Aljur, Rocco at Derrick) ay nagsirampa na nang sexy sa Cosmo Bachelor Bash, si Jake ay never pa.

Sey namin sa kanya, baka dati ay hindi siya pinapayagan ni Kuya Germs (nasirang ­manager niya) na gawin ‘yung mga gano’n.

Baka ngayon ay puwede na?

“Siguro, ngayon. Kasi, nasa Artist Center na ako,” nakangiting pakli ni Jake.

Kasama si Jake sa bagong Kapuso drama series na Oh My Mama with his new ka-loveteam, Inah de Belen.

Sa September 19 ang simula nito.