JaDine, hot na hot ang yakapan

Alden, magho-host ng Asian TV Awards

By

Ang hot nina James Reid at Nadine Lustre sa cover ng October issue ng Benchmark, ang in-store magazine ng Bench.

Ang guwapo at ang sexy ni James, na namumutok ang biceps sa suot na puting sando habang nakayakap sa nobyang si Nadine.

Parang feel na feel naman ni Nadz ang pagkakalapat ng katawan nito kay James habang ang dalawang kamay ay kapit na kapit sa likod ng nobyo.

Si BJ Pascual ang nag-shoot ng JaDine sa Youth Issue ng Benchmark.

***

Babae ang ipinagbubuntis ni Rufa Mae Quinto.

‘Yun ang kaswal na ni-reveal ng non-showbiz fiance ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes sa isang IG post nito.

Isang simpleng “It’s a girl,” ang caption ni Tre­vor sa beach pic nila ni Rufa Mae, na kahit malusog dahil preggy ay walang takot pa ring naka-one piece swimsuit.

rufa-mae-at-jowa-001
Trevor Magallanes at Rufa Mae Quinto

“Yours truly,” ang caption ni Rufa Mae sa IG video na nag-a-apply sila ni Trev ng marriage license.

After nito ay pinost ng buntis na sexy comedienne ang mga singsing na suot nila ng Fil-Am fiance niya na gawa ng Tiffany & Co. na ang caption niya ay, “Tiffany – platinum, forever.”

37-anyos na si Rufa Mae habang 29-an­yos ang mapapangasawa niyang financial analyst.

Sa November 25, 2016 magaganap ang Christian wedding nina Rufa Mae at Trevor sa Blue Leaf Events Place sa Ortigas.

***

EXOTIC beauty ang da­ting ni Maine Mendoza sa cover ng Mega magazine October issue na kinunan sa Casablanca at Marrakesh sa Morocco.

May version na magkasama sila ni Alden Richards sa cover at meron ding solo-solo.
Fashionista ang peg ng AlDub sa kanilang out of the country shoot.

In fairness kay Maine, kaya niyang maging masang-masa pero keri niya rin ang high fashion editorial. Nagta-transform siya ‘pag naayusan.

Sa social media ay walang keber si Meng na mag-post ng two-piece bikini photos, kaya keri niya rin ang sexy photo shoot kung gugustuhin niya.

Si Alden ay nakabalik na ng ‘Pinas mula sa kanyang show at mini bakasyon sa London.
Sa Disyembre ay Singapore-bound naman si Tisoy.

After niyang mag-concert sa Kallang Theatre doon nu’ng July, babalik siya ng Lion City para mag-host ng 21st Asian Television Awards sa Suntec Singapore Convention & Exhibition Center.

Kasamang maghu-host ni Alden ng Asian TV industry’s most significant and celebrated event which recognizes excellence in programming, production and performance ang Asian stars na sina Adrian Pang, Stephanie Carrington at Baki Zainal

“It is truly an honour to be hosting this year’s Asian Television Awards and celebrate the best television content that Asia has to offer,” bulalas ng Pambansang Bae.

Mapapanood ang delayed telecast ng 21st Asian TV Awards sa December 11, 9:30 PM sa GMA News TV.


Quantcast