Isuzu 20th

By

Ipinagmamalaki ng Isuzu Philippines Corporation (IPC) ang 20 nilang bagong behikulo sa kanilang ika-20 anibersaryo noong isang linggo sa World Trade Center.

Sa ilalim ng konseptong Blue Technology, ipinakita ng Isuzu kung paano nila haharapin ang susunod na mahigit 20 taon ng kanilang pagseserbisyo sa bansa.

Pinangunahan ni IPC president Hajime Koso ang lahat ng dumalo sa pagtitipon, kasama ang maraming Isuzu officials na nanggaling sa iba’t ibang panig ng mundo at iba pang panauhin. Nakita natin si DOTr Undersecretary Tim Orbos at Ayala Corporation president Fernando Zobel de Ayala.

Sinabi ni Koso na pinasimulan na nila ang Blue Technology sa lahat ng kanilang bagong sasakyan. ito’y magbibigay ng matinding engine output, cleaner emissions, superb fuel economy, at engine durability.

“This country has become our second home and gave us the wings to soar higher than what we were 20 years back. We are looking forward to 20 years and more. To our loyal partners, may you continue to put your trust on us and we promise that we will be finding more ways to meet your expectations,” sabi ni Koso.

“We are hoping yet we are confident that the Philippines will continue to patronize the brand with these substantial changes that we have introduced. We believe that these game changers are surely to hit it big,” dagdag pa ni Koso.

Bukod kay Koso, ilan sa Isuzu bigwigs na naroon ay sina Isuzu Motors Ltd. Japan President and CEO Masanori Katayama; Mitsubishi Corporation Japan Executive Vice President and Group CEO Machinery Kazushi Okawa; at Deputy Chief of Mission of the Embassy of Japan Manila Takehiro Kano. Dumalo rin ang ilang past presidents ng IPC.