Racing feature

Isusunod na

By

Handa na ang batang kampeong si Arrogate (Unbridled’s Song-Bubbler, by Distorted Humor) na sumabak sa Dubai World Cup na may kabuuang premyong $10-million.

Ito ang ipinagdiinan ng pamosong trainer na si Bob Baffert isang araw bago tumulak patungong Dubai ang kanyang premyadong kabayo kasunod ng magandang performance nito sa kanyang huling workout noong nakaraang linggo.

“He had a hard breeze last week. The track was sort of dull (Sunday), but he looked fantastic. He went around like he usually does, never taking a deep breath. He’s got to be 100% for me to take him, and he leaves tomorrow,” ani Baffert.

Ang laban sa Dubai ang inaasahang magiging matinding karera ng 4-year-old na si Arrogate bago siya ipahinga ni Baffert para paghandaan ang pagsabak sa US Breeders’ Cup Classic sa huling quarter ng taon.

“He won’t do much once he’s there — gallop a little bit, maybe breeze — but he’s pretty ready. We’ll give him a little break in the action (after Dubai). The ultimate goal is still the Breeders’ Cup Classic (G1), so maybe something before, but that’s too far out to think about,” dagdag ni Baffert.

Ang kampeong 3-year-old sa Amerika noong nakaraang taon ay nabili sa halagang $560,000 ng Juddmonte Farm sa Keeneland September Yearling Sale. Umaabot na sa $11-million ang kanyang career earnings, ang malaking porsiyento nito ay galing sa kanyang panalo sa $12-million Pegasus World Cup Invitational noong Enero.

Kapag nanalo siya sa Dubai World Cup, aabot sa $17-million ang kanyang magiging career earnings at ito na ang magiging all-time leading North American-based earner.

Ang korona ay hawak ng nagretirong si Caifornia Chrome na kumita ng $14,752,650.


SHARE
Previous articleLOTTO RESULT 03/14/2017
Next articlePSALM 106:24