SEPTEMBER 27, 2013 FRIDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
September 26, 2013
As of 4:29 pm
U. States 43.3171
Bahrain Dinar 114.887
Can Dollar 41.9957
Euro 58.5836
Aus Dollar 40.6814
HK Dollar 5.58654
Japan Yen 0.437868
Saudi Riyal 11.5515
S’pore Dollar 34.5342
Taiwan Dollar 1.46510
UAE Dirham 11.8433
UK Pound 69.6969
 
Custom Search
Kamatayan hinarap ng utak ng holdap gang!

(Nonnie Ferriol)

Posibleng unti-unti ng malalansag ang notorious na grupong holdap gang na responsable sa serye ng mga panghoholdap sa mga aircon bus makaraang mapatay sa engkwentro ng mga elemento ng Mandaluyong City Police ang isa mga itinuturong lider nito habang dalawa pa sa mga miyembro nito kabilang  ang kakambal ng suspek ang naaresto sa nasabing lungsod, kahapon ng madaling-araw.

Apat na tama ng punglo sa iba’t ibang parte ng katawan ang tuluyang nagpabulagta sa nasawing suspek na si Jonathan Ecleo y Gaspe, 33, vendor,  habang naaresto ang kambal nito na si Jesus Ecleo y Gaspe, 33, vendor, at Mafriano Lim-It y Abrogar, 32, may asawa, pawang residente ng No. 536-Calbayog St., Bgy. Highway Hills, Mandaluyong City.       

Ayon kay Sr/Supt. Florendo Quibuyen, hepe ng Mandaluyong City Police, nangyari ang insidente dakong alas-12:10 ng madaling-araw makaraang makaengkwentro ng mga operatiba ng Task Force Anti-Vice Division sa pangunguna nina SPO1 Rodel Samaniego, PO3 Rizaldy Salvador at PO1 Rodolfo Busa, sa kahabaan ng Francisco cor. Ballesteros Sts., Bgy. New Zaniga, Mandaluyong City. 

 
Nabatid na ang nasawi ang lider ng grupo na nanghoholdap sa mga aircon bus partikular sa Mandaluyong City at Makati City.

Sa magkatulong na imbestigasyon nina SPO1 Joemer Puzon at PO2 Do­nald Banes, ng Criminal Invesitgation Unit (CIU) lumilitaw na bago ang engkwentro ay nakadalawa pa umanong aircon bus ang naholdap ng grupo.

“Nakatanggap kami ng information na muling manghoholdap ulit ng aircon bus ang grupo sa Mandaluyong City kaya ang ginawa na namin ay talagang nagpakalat na tayo  ng karagdagan mga pulis sa kahabaan ng EDSA partikular sa Reliance St., kaya natiyempuhan natin sila.” ayon kay Sr/Supt. Quibuyen.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION