|
Gloria bets sa 2007 may kiss of death Si Esperon ang bugok -- Senado
|
TOP
STORIES
Pagsibak kay Alan minamadali (Rey Marfil) Hindi pa man nabibigyang kasagutan ang multi-bilyong pisong fertilizer fund na na-divert sa kampanya ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, panibagong eskandalo ang nabisto matapos humarap sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA). Sa budget hearing ng Upper House, mismong si COA chairman Guillermo Carague ang nagbisto sa P17.124 bilyong cash advances ng administrasyon ni Mrs. Arroyo sa loob ng tatlong taon gayong 60-araw lamang ang polisiya ng komisyon para i-liquidate ang pondo. Kaagad kinuwestyon ni Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate committee on finance ang multi-bilyong pisong unliquidated cash advances ng gobyerno ni Mrs. Arroyo. Bagama’t unliquidated cash advances ng national government ang P17.124 bilyong hinahanap ng COA, nadiskubreng P1.5 bilyon ang nakalista sa Executive branch na direktang nasa ilalim ng hurisdiksyon ni Mrs. Arroyo, ayon kay Drilon. Muling ‘nabutasan’ ng Upper House si Mrs. Arroyo sa sobrang pagwawaldas ng pondo matapos madiskubreng P39.756 milyon ang unliquidated cash advances ng Office of the President (OP) habang P25 milyon lamang ang naitala ng dalawang kapulungan ng Kongreso. Maliban sa P9.3 bilyong total cash advances ng national government, meron pang P2.664 bilyong unliquidated cash advances ang government-owned and controlled corporations (GOCC’s) habang P5 bilyon ang local government units (LGUs). Bilang alternatibong solusyon, inirekomenda ni Drilon kay Carague na kaltasin sa suweldo ng mga opisyal at kawani ng gobyerno ang unliquidated cash advances na ito upang mabayaran ang pagkakautang at maibalik sa normal ang pondo ng bawat ahensiya at departamento. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|