|
|
ENTERTAINMENT
Paolo Contis, alalang-alala sa ama ni Isabel Oli Natuwa kami sa announcement ng GMA 7 at Solar Sports na si Kyla ang kakanta ng ating national anthem sa boxing bout nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera sa Oktubre 7 nang 8:00 AM (Manila time) saMandalay Bay Resort & Casino, Las Vegas, Nevada. Proffesional singer si Kyla at mabibigyan niya ng justice ang pagkanta ng Lupang Hinirang. *** May live coverage via satellite ang 12-round super featherweight title fight nina Manny Pacquiao at Marco Antonio Barrera na tinaguriang The Will To Win sa Starmall EDSA at Metropolis Star. Ang tiket ay P400. Para sa mga detalye, tumawag sa Starmall EDSA (tel.# 718-1886), Starmall Las Piñas (tel.# 872-5249) at Metropolis Star Alabang (tel.# 842-2513). *** Hindi kami nagkamali ng impression kay Prince Stefan. Muli namin siyang nakita sa farewell presscon ng Mga Mata Ni Anghelita. Si Prince ay nag-iisa pala sa buhay at ang tinatawag niyang Tita na kasama niya ngayon sa bahay ay dating nag-aalaga sa kanyang boarding house na tinutuluyan. Hindi malinaw sa amin kung dating may-ari ito ng boarding house na tinuluyan ni Prince. Apat na taon na raw niyang kasama ito sa bahay, komo may ibang pamilya na ang kanyang ina. Hinahanap pa rin niya ang ama niyang Arabo. Nag-aalala si Prince dahil after Mga Mata Ni Anghelita ay wala pa siyang follow-up project. May pinag-aaral daw siyang mga kapatid sa ina plus mga gastusin niya sa bahay na nirerentahan niya. Kaya pala sa mga ngiti ni Prince ay kitang-kita pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Mukha namang mabait at masinop na bata si Prince. Wala raw siyang girlfriend at ibinubuhos niya sa trabaho ang kanyang atensyon. *** Pagkatapos ng teleseryeng Mga Mata ni Anghelita ay balak ni Paolo Contis na magbakasyon sa Oktubre, at sa Nobyembre siya magbabalik-trabaho. Sa Hong Kong sila magdiriwang ng birthday ni Isabel Oli. Gastos daw ni Isabel ang lakad. Isang mamahaling bag ang regalo ni Paolo kay Isabel. Kasama rin sa Hong Kong ang mga magulang ni Isabel. Okay raw ang ama ni Isabel kahit may Parkinson’s disease ito. Touched na touched si Isabel sa boyfriend na si Paolo dahil mas nag-aalala pa raw ito kesa sa kanya sa kalagayan ng ama niya. 100% na magsyota na uli sila. Wala pa silang balak na magpakasal although wish ni Paolo ng tatlo hanggang apat na anak. *** Hindi pa man natatapos ang Mga Mata ni Anghelita ay pinaghahandaan na ni Direk Gil Tejada ang susunod niyang project na isang thriller na drama. Ayaw pang sumabak ni Direk Gil sa pelikula. Kailangan pa raw niya ng mahabang pag-aaral para rito. Masakit daw sa kanya kung mag-flop ang una niyang pelikula at hindi niya carry na tawaging flopsina director. Saka na raw iyon. Sa telebisyon na muna siya. Natutuwa si Direk Gil sa kinalabasan ng ratings ng teleserye na nagsimula sa mababa at umariba nang husto hanggang sa kasalukuyan. *** May nagreklamong tricycle driver sa Subic authorities na diumano’y may bumangga raw sa kanya na isang sasakyan na may kinalaman sa taping ng Marimar. Hindi masabi ng driver kung anong klaseng sasakyan ang sumabit sa kanya. Nagtataka kami dahil ang alam namin ay walang tricycle sa loob ng Subic. Para matigil na ay kinuha lahat ang plate numbers ng mga sasakyan na may kinalaman sa taping ng Marimar noong Setyembre 18. Bakit kaya pinatulan ito ng Subic authorities? Ngayon pa lang ay wala nang kaso ang tricycle driver na iyon dahil hindi niya kabisado kung sino ang sumabit sa kanya. Magpipitik-bulag na lang siya o maghuhulaan blues? Talbog! *** Bukas (Huwebes) nang 9:00 PM ang lingerie show na Heavenly Bodies Part 4 sa Metro Bar, West Ave., QC. Ang tiket ay P500 at P300. Karamihan sa mga modelo ay bagong mukha at mga estudyante, kagaya nina Carlo Camilon, Jude Dayao, Paolo Ilagan, Alvin Avinante, Eman Dimanlig, Michael Estenso, Carlo Galang, Jadel Lee, Ace Bernal, Dexter Castro, Fhons Feleo at Cris Quizon. Kabilang naman sa female models sina Glennys Mesa, Beverly Alberto, Sandra Mariano, Angel Belmonte at Bess Galve. Para sa mga detalye, tawagan si Gretchen Tamayo sa cell # 0918-484-8350. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|