Allan Diones

Abu Tilamzik  

Joe Barrameda

Billy Balbastro


Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Dikong, gustong tumulong kay Carlo J


Ang daming text messages (ang iba, di namin know pero know nila ang number namin) na natanggap namin to update us sa trips ni Juday sa ibang bansa.

Pupunta sa Spain si Judy Ann Santos, pero hindi totoong sawa na siya sa Amerika. Funny at nasali rin kami sa kontrobersyang Juday.

In fact, bago pumunta sina Juday at Ryan Agoncillo sa Spain sa November may US tour sila. Three weeks din ito.

Here’s an inside story: Sa October 5 aalis ang pangkat nina Juday at Ryan for a series of shows. Kasama sa grupo nina Juday at Ryan sina Ka Alfie Lorenzo, Noel Ferrer (na manager ni Ryan), Edgar Allan Guzman (Mr. Pogi ng Eat Bulaga) at ang kaibigang Albert Sunga na tour manager nila.

Sa Gold Coast Casino & Hotel sa Las Vegas ang buwenamano nila sa Oktubre 7. Sa Oktubre 12 sa James Logan Pavillon sa Union City. Sa Carlson City sila sa Oktubre. 14, sa Carlson Civic Auditorium.

Finally, sa Oktubre 20 ang show nila sa Jersey City, sa Loews Theatre sa may Journal Square.

Ituloy na natin ang kanilang US itinerary. Hanggang Oktubre 24 ang pangkat. By October 26, narito na sila. Naghihintay kina Juday at
Ryan ang taping nila sa Ysabella bago sila tumulak pa-Spain.

That’s another story, ang trip nila sa November.

***

Double celebration kahapon at kagabi sa Imus mansions ng mga Revilla dahil kaarawan ni Sen. Bong Revilla.

At the same time, natapos noong Lunes ang siyuting ng festival movie niyang Resiklo.

Tamang timing ang ginawa ni Direk Mark Reyes at ng Imus big boss na si Marlon Bautista. Natapos ang pelikula gaya ng inaasahan, before the Senator’s birthday.

Dahil sa masamang panahon sa final few days, may mga konting delays pero okey naman lahat.

"Parang mga trumpo kami rito, basta lang matapos kahit umulan," sabi sa amin sa isang artista sa cast.

Pati raw ang mga batang artista na sina Jennylyn (Mercado), Michelle (Madrigal) at ang mga Revilla na sina Bryan at Jolo ay marunong magtrabaho.

Akala ng marami, hindi nila matapos ang ginagawa nilang mga big scene sa Marisawa at Luna’s Steel sets nila pero they did last Monday. Pati si Bong ay nagkasakit pero okey lang. All’s well that ends well.

Kaya may dahilan for a double celebration kagabi.

Today, tuloy ang trabaho. Simula na ng post-production ng pelikula. For its special at sound effects, dadalhin ito sa Hong Kong.

***

SHORTCUTS: Quiet lang ang ABS-CBN sa mga ginagawa ni Kristine Hermosa.

Tuloy na ang taping ni Andoy Ranay ng Prinsesa ng Banyera with TJ Trinidad.

May pelikula ring ginagawa si Kristine for Star Cinema, ang Big Love with Toni Gonzaga. Totoo kaya na kasama rin dito si Sam Milby?

Nagtataka lang kami sa lack of fanfare nito, considering na agaw-eksena sina Angel Locsin at KC na lahat ay plano pa lang…

Nakikita ko sa bangketa ang mga komiks ng Sterling na binuhay nina Carlo J. Caparas at Donna Villa.

Gusto raw ni Direk Deo Fajardo Jr. na tumulong kina Carlo J.

Bago nakilala si Carlo J, editor at komiks writer na si Deo (si Dikong ni Robin Padilla). Sana, magkita sila ni Carlo J.

Kumusta kaya si Rico Bello Omagap, nagsusulat pa rin? Sana, magtulungan silang lahat.

Happy birthday kay Myles Mel Turquesa today na paboritong apo ni Cloyd Robinson.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top