|
UAAP host, may pakiusap sa 3 nalalabing teams Mag-utol na Pumaren at Black sa PSA Romualdez, di na tatakbong prexy sa football polls Cleveland Indians, nasapol din ang AL Central title Dance sport, sinama na sa listahan ng pro sports
|
SPORTS
UPDATE
UAAP host, may pakiusap sa 3 nalalabing teams Matapos ang maraming beses na off-courts incidents sa nakalipas na buwan ng men’s basketball, hiniling ng UAAP host na UST sa tatlong nalalabing paaralan sa tournament na pakiusapan ang kanilang supporters na maging maayos at ipatupad ang nararapat na pag-aasal. Naalarma sa huling mga kaganapan, nanawagan si secretary-treasurer Felicitas Francisco ang lahat ng leaders ng UE, Ateneo at La Salle ng "good behaviour in the last two weeks of the tournament." Kinailangan pang awatin sina commissioner Ed Cordero at isang Ateneo fan sa katapusan ng Ateneo vs UST KO game noong Linggo matapos kantyawan ang una ng Ateneo alumnus habang papalabas na ng playing court ang crew ng commissioner. "There are some alumni who really don’t behave the way they have been educated," komento ni Francisco. "Let these (basketball) games be an avenue for further camaraderie among schools, their alumni and students, not for hooliganism." Nakilala ni Cordero ang nag-miron sa kanila at aatasan ang UAAP board na i-ban na ang naturang Ateneo fan sa pag-upo malapit sa courtside. Naniniwala si Francisco na may katwiran si Cordero. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|