SEPTEMBER 24, 2011 SATURDAY
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below

Exchange Rate
September 23, 2011
As of 2:25 pm
U. States 43.8200
Bahrain Dinar 116.215
Euro 59.1340
HK Dollar 5.61888
Japan Yen 0.574272
Saudi Riyal 11.6832
S’pore Dollar 33.6703
Taiwan Dollar 1.43652
UAE Dirham 11.9294
UK Pound 67.5203
Jake, bading sa ‘Barcelona’
 
 

IPAPALABAS ang two-hour documentary special na MMK Dala­wang Dekada bukas nang gabi sa Sunday’s Best ng ABS-CBN.

Sasariwain dito kung paano naging saksi ang drama anthology na Maalaala Mo Kaya sa iba’t ibang mga pagsubok at tagumpay na pinagdadaanan ng mga karaniwang Pilipino.

Kaabang-abang ang limang episode ng MMK sa Oktubre para sa ika-20 anibersaryo nito.

Sa unang Sabado (October 1), tatalakayin ang isyu ng iligal na pagmi­mina sa Palawan at kung paano nito ‘minulat’ ang mga mata ng isang ina sa katotohanang kailangan siya ng kanyang pamilya.

Idinirek ito ni Brillante Mendoza, at tampok sa cast sina Angel Aquino, Yul Servo, Miles Ocampo, Paul Salas at Isabel Lopez.

Sa Oktubre 8, tampok ang kuwento ng tap dan­cing duo na Happy Feet.
Ikukuwento rito ang hirap na pinagdaanan ng magkapatid na Ramon at Bambi bago nila naipamalas sa mundo ang kanilang talent.

Tampok sa ‘Bukidnon-Happy Feet’ bilang magkapatid sina John Prats at Nash Aguas. Gaganap bilang ama nila si Ariel Rivera.

Sa Oktubre 15, bading ang papel ni Jake Cuenca sa episode na ‘Barcelona.’
Ito ay kuwento ni Louie at kung paano binuo ng pagpapatawad at pagtanggap ang samahan nila ng kanyang amang hindi matanggap ang kanyang kasa­rian.

Kasama sa cast nito sina Ricky Davao, Vivian Velez at Malou de Guzman.


 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION