September 20, 2009 Sunday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
 
SEARCH Abante-Tonite
 
  HEADLINES
 
 
 
 
 
 
 
 
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Piolo at KC, matindi ang chemistry
 

MATUTUNGHAYAN ang mga never-before-seen na mga eksena ng teleseryeng Tayong Da­lawa ngayong Linggo pagkatapos ng ASAP sa ABS-CBN.
Saksihan ang ‘Untold Beginnings’ ng mga karak­ter na natutunan na ninyong mahalin.
Huwang bumitiw sa mga huling gabi ng Ta­yong Dalawa dahil isang hindi inaasahang pagtatapos ang inyong masasaksihan.
***
Ibang klase ang che­mistry nina Piolo Pascual at KC Concepcion, ayon kay Eric Reyes na direktor ng teleseryeng Lovers in Paris.
“Kapag nakita mo silang magkasama, tiyak na kikiligin ka. Siguro, factor din ‘yung may common ground sila, which is the love for music na talagang nakakapag-bond sa kanila,” sey ni Direk Eric.
Nasa cast din ng teleserye sina Zanjoe Marudo, Maricar Reyes, Assunta de Rossi, Mark Gil, K Brosas, Mickey Ferriols, John Wayne Sace, Hyubs Azarcon, Rachel Ann Wolfe, Ching Arellano at Christopher de Leon.
***
Nakakaaliw na naman ang labanan sa All Star ‘K’ ngayong gabi sa GMA 7.
Pagalingan sa videoke challenge ang mga tandem nina Daiana Menezes & Kates Ocampo, Moymoy & Palaboy, Gian Magdangal & Chris Cay­zer, Pekto & John Feir, Mico Aytona & Hideaki Torio, Andrea & Lucky ng Ka-Blog, at Mart Escudero & Rich Asuncion.
Ang K!Llers ay sina Maverick & Ariel.
***
Tumutulong si Yeng Constantino sa Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) para ma-educate ang public school students.
Si Yeng ang kumanta ng theme song ng KCFI na pinamagatang May K Ako.
Co-writer si Yeng ng nasabing kanta na humihikayat sa mga kabataan na gawin ang makakaya nila upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.
KCFI’s Knowledge Channel is the first and only station on simulcast nationwide mode, broadcasting 14 hours of prog­ramming based on the DepEd’s competencies.
***
Love ng premyadong direktor na si Jeffrey Jeturian ang Nescafe Classic.
Aniya, “Give me a cup of steaming hot water and sugar with Nescafe Classic anytime anywhere and I’d be the most contented person on earth.
“I hanker for it like I would for water.”
Nagmana si Direk Jeffrey sa kanyang mga magulang na parehong coffee lover.
“It’s comfort beve­rage for me,” sabi pa ni Direk Jeffrey. “I’ve grown up and grown old taking Nescafe Classic throughout my life, so it has become sort of like a family to me.”
Sa shooting, Nescafe Classic ang nagpapaalis ng kanyang stress.
“I take it while pondering on the scenes to be taken,” lahad pa ni Direk Jeffrey.
“It also keeps me alert and awake throughout the usual 24-hour wor­king day.”
***
Sa loob ng isang taon, naipakita nina Anthony Taberna, Sol Aragones at Atom Araullo ang mukha ng lipunan sa progra­mang Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan.
Hindi lang nila iniulat bagkus ay dinanas din ang buhay ng mga taong kumakatawan sa iba’t ibang isyu ng bayan.
Sa isang pagbabalik-tanaw, ibinahagi ng tatlo ang mga istoryang hindi nila malilimutan na humamon sa kanilang tapang.
Para kay Anthony, ito ang pagpipiyon sa kons­truksyon kung saan buong araw siyang nagbuhat ng saku-sakong semento paakyat ng 22 palapag na gusali.
Tinrangkaso siya pagkatapos.
Pinili ni Sol ang kanyang ulat sa parada ng Poong Nazareno kung saan muntik na siyang mapahamak nang subukang umakyat sa karosa.
Tumalon siya sa gutter para mailigtas ang sarili.
Si Atom naman ay sumisid sa maruming tubig upang ilahad ang buhay ng mga kabataang nangunguha ng bakal sa pier sa Baseco.
Napag-isip niya kuwan na doon pumupunta ang mga dumi ng mga tao.
Sa pagpatak ng u­nang anibersaryo ng Kalye, mas magiging mapangahas pa sila sa pagha­hanap ng mga kuwento.
Kakalkalin nina Anthony, Sol at Atom sa Kalye ang problema sa basura bukas nang gabi, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.
***
Isang batikang abogada mula sa Manitoba ang makikilala bilang immigration specialist na tutulong sa mga Pilipinong nais manirahan sa Canada.
Si Stacey Belding -- managing director ng Canada Immigration Group at kabilang sa consular services team ng Pi­lipinas sa Winnipeg -- ay muling bibisita sa bansa upang magbigay ng mga seminar sa PUP, Sta. Maria (Bulacan), Cebu, at iba pang lugar ukol sa pagkakataong bukas sa mga Pi­lipinong nagnanais manirahan doon sa ilalim ng iba’t ibang immigration programs na binuksan ng pamahalaan ng Canada.
Ang mga interesadong dumalo sa libreng by-invitation-only seminars ni Stacey Belding sa Pilipinas ay dapat mag-download at sagutin ang libreng assessment forms mula sa website ng www.canadaimmigrationblog.com at ipadala ito sa email ng canadaimmigrationgroup@yahoo.ca.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES