Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa isang binata para kitlin nito ang kanyang buhay sa loob ng isang mall sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Dead on arrival sa FEU Hospital ang biktimang si Danilo Jadd Coronel, 18-anyos, STI student at residente ng Camus Extension, Malabon City.
Base sa ulat ni P/Chief Insp. Benjamin Elenzano Jr., hepe ng homicide section, naganap ang insidente dakong alas-6:45 ng gabi sa loob ng SM City Fairview na matatagpuan sa kanto ng Regalado Avenue at Quirino Hi-way Bgy. Pasong Putik QC.
Nabatid na naglalakad sa ikatlong palapag ng mall ang biktima kasama ang kaibigang si Crystal Enriquez nang bigla itong tumalon.
Sinasabi pang bumagsak ang biktima sa food court ng establisyimento at sa lakas ng pagbulusok ay naapektuhan ng husto ang ulo ng biktima.
“Head and body injuries ang inabot ng biktima, sabi ng mga magulang may suicide note daw ang kanilang anak, pero sa hindi malamang dahilan ayaw nila itong ipakita kaya hindi talaga matukoy kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay niya,” paliwanag pa ni Chief Insp. Elenzano.
|