Sep. 20, 2008 -Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
 

HIV/AIDS

Dr. R. Zaide
 

Noong nakaraang taon, higit sa 2 milyon bata sa mundo ay mayroong HIV (Human Immunodeficiency Virus). Karamihan sa kanila ay na-infect bago pa sila ipinanganak. 290,000 bata na wala pang 15 taong gulang ang namatay ng dahil sa HIV/AIDS noong nakaraang taon.

Sabi ni Ann Veneman, ang executive director ng United Nations Children’s Fund, na ang mga bata at kabataan ngayon ay hindi kailanman nakaranas na mabuhay sa isang mundong walang sakit na HIV. Sila ay dapat harapin ng buong lubusan ng global AIDS agenda.

Apat na bahagi ang pinupuntirya. 1. Piligin ang pagkalat ng sakit simula sa ina papunta sa anak. 2. Gamutin ang mga bata. 3. Pigilin ang pagkalat ng sakit sa mga kabataan. At 4. Bigyan ng proteksyon at alagaan ang mga batang mayroong AIDS. Noong 2007, $10 bilyon ang nakolekta ng United Nations (UN) at World Health Organization (WHO) upang labanan ang AIDS. Sa taong 2008, umaasa sila na mas malaking pondo ang makukuha nila.

Samantala, 25 taon na ang nakaraan subalit wala pa rin bakuna laban sa HIV/AIDS ang nagawa. Pinahayag ni Bruce Walker ng Harvard Medical School na halos isang bilyong dolyar ang ginagastos taun-taon sa HIV/AIDS research ngunit hanggang ngayon, wala pa rin nakikitang paraan upang makagawa ng bakuna. Matindi ang pagsusuri ang ginagawa sa iba’t ibang bansa (Germany, Sweden, United States, atbp.) ngunit itong virus ng HIV ay napakadulas at paiba-iba ang anyo at posibleng pinakahirap labanan sa historya ng tao.

Mabilis nakilala ang virus at noong 1990s, nagkaroon ng “triple cocktail” na mga gamot panglaban sa HIV/AIDS kaya’t hindi na siguradong mamamatay ang pasyente ngunit hanggang ngayon ay wala pang bakuna kaya’t itong HIV-AIDS ay maaari pa rin maging pandemic. Ang mga tagasaliksik ay nasisiraan na ng loob at nawawalan na ng pag-asa. Kailangan daw ang bagong pag-iisip at mga bago at batang tagasiyasat upang matuklasan ang paraan upang makagawa ng bakuna.

 

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES