NAG-TEXT sa amin si Cristine Reyes nu’ng isang araw, pero hindi namin siya ni-reply-an, ‘yun pala ay may isyung tinangka umano niyang magpatiwakal dahil nag-away sila ng kanyang ina.
Kahapon ay ka-text namin si Cristine at halatang imbyerna siya sa nagpakalat ng suicide attempt issue kuno tungkol sa kanya.
“Ayokong patulan ‘yan, kung sinuman ang nagkalat niyan. Natatawa na lang ako,” ang dayalog sa amin ng seksing young star sa text.
Hiningan pa namin siya ng karagdagang paglilinaw sa lumabas na isyu, pero halatang walang gana si Cristine na pahabain pa ito.
“Sorry, pero nonsense kung saan man nanggaling ‘yan,” sabi pa niya.
Nagda-drive raw siya pauwi galing sa isang taping habang ka-text namin siya kahapon kaya hindi siya gaanong maka-reply.
Inamin ni Cristine na naospital siya, pero hindi totoong lumaklak siya ng gamot at sinadyang mag-overdose.
“Ang layo ng issue sa over fatigue. Ang OA, huh! Hindi ako nag-attempt mag-suicide!” bulalas pa ng dalaga.
Tinanong namin siya kung totoong nag-away sila ng mommy niya, pero hindi na nag-text back ulit si Cristine. Hindi na namin siya kinulit dahil baka mabangga ang kotseng minamaneho niya at kami pa ang sisihin.
|