Sep. 20, 2008 -Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 
Direk Joel, napaluha sa tulong ni Migz

(ABU TILAMZIK at JDO)

 

NAPALUHA si Direk Joel Lamangan pagkatapos tanggapin ang donation ni Senador Migz Zubiri na P2.5M para ga-wing educational fund ng Nagkakaisang Manggagawa ng Pelikulang Pilipino (NMPP).

Matagal na itong ipinangako ni Senador Migz kay Direk Joel dahil gusto niyang may maiambag siya sa movie industry.

Itong malaking ha-lagang ibinigay ni Senador Migz ay pani­mulang pondo sa sisi­mulang scholarship grant na ibibigay ng NMPP sa mga deserving na anak ng mga miyembro nito na wala na gaanong trabaho.

Ramdam ng lahat na mahina ang movie industry kaya marami ang sob-rang apektado na hindi na kayang paaralin ang kanilang mga anak.
Gusto silang tulungan ng grupo nina Direk Joel.

“Apat na taon na ngayon ang NMPP. Apa­t na taon nang kumakatok sa mga pinto,” lahad ni Direk Joel.

“May nagbukas nang konti sa amin. May nakinig. May sumilip. At may nagbukas nang taos-puso, si Senador Migz Zubiri.”

Bukod sa educatio­nal fund na ibinigay ni Senador Migz, meron pa siyang nakalaang P2.5M para sa proyektong pabahay ng NMPP.
Ilan sa mga aktibong opisyal ng NMPP ay sina Richard Gomez, Gina Alajar, Maning Borlaza, Gil Portes, Tony Reyes, Soxy Topacio, Rez Cortez, Mel Chionglo at Baldo Marro.

***

Painit nang painit ang labanan sa modeling contest na Men of Desire 2008 sa Manhunt Theater Bar (nasa tapat ng Pega-sus sa Quezon Ave., QC).
Third weekly elimination na po mamaya, at P350 ang tiket.

***

Pitong K!-Duets ang magkakalaban sa All Star ‘K!’ The P1,000,000 Videoke Challenge bukas nang gabi sa GMA 7.

Pasiklaban sina JC Buendia, JL Cang, Cory Quirino, Carlene Agui-lar, Bayani Fernando, Renz Verano at Jinky Vidal-Suzara.

Ang hired K!Ller ay si Tessa Prieto Valdez.

***

Hindi nakaapekto sa Mocha ang lesbianism issue sa kanila.
Tuwing Martes ay napupuno nila ang Mugen Bar sa Metrowalk Commercial Complex sa Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City.

Hindi nababawasan ng tao sa Mugen Bar hangga’t hindi natatapos ang show nila.

Anyway, tatlong taon ang Mugen Bar na pagmamay-ari ni Madam Crisanta ‘Mitzi’ Gonzales Hosoya.

Meron silang 3rd anniversary show bukas (Linggo, Setyembre 21) kung saan tampok ang Mocha, K24/7, Urbanation, Xzel, Domination .

Sa Lunes (Setyembre 22) ay magbibigay-saya naman ang First Five ½ band, D’ Empire, Sheng Nz Radz, Rhytm on 4, J Brothers at si Rochelle Pangilinan.
Balak ni Madam Mitzi na magtayo ng Mugen 2 sa Quezon City. Naghahanap siya ngayon ng tamang lugar.

For birthdays and Christmas party, tawagan ang kanilang Ge-neral Manager (Tom Vidal) sa cell# 0927-4311327, tel.# 637-4089, 486-9537.


 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES