DINATNAN namin sina Alfred Vargas at LJ Reyes sa taping ng Una Kang Naging Akin na kinukunang magkasiping sa ilalim ng makapal na kumot.
Naalala tuloy namin ang mga panahong mag-on ang dalawa.
Hindi na kami magugulat kung may balikang maganap kahit may ibang karelasyon na si LJ.
Sa tingin namin ay parang kinikilig pa rin si LJ kay Alfred, at babaeng-babae kapag kaharap ang dating boyfriend.
Maganda ang ratings ng Una Kang Naging Akin na napapanood mula Lu-nes hanggang Biyernes nang hapon sa GMA 7.
Papasok si Kevin Santos sa nasabing sinenobela bilang manliligaw ni LJ at kaibigan ni Alfred.
***
Tuwang-tuwa si Robin Padilla at dumating sa bansa ang asawa niyang si Liezel in preparation sa pagpunta nila sa Europe for a Smart event. Magbabakasyon na rin sila roon nang tatlong linggo.
Sa Milan, Italy muna sila pupunta at doon na sila magsisimula ng pag-iikot sa iba’t ibang lugar sa Europe. Dahil matatagalan bago bumalik si Robin ay nagpatawag ng mini-presscon ang GMA Films para sa pelikulang Sundo ni Robin.
Ang Sundo ay nagtatampok ng pamahiin na ang kaluluwa ng mga namatay ang sumusundo sa mga kamag-anak na buhay.
Sa tema pa lang ay mukhang nakakatakot na ang pelikula.
Nang unang mabasa ni Robin ang tema ng istorya, sinabi niya na kilala siya bilang action star na matapang at walang fans niya ang maniniwala na takot siya sa multo.
Maski sa totoong buhay ay lalabanan daw niya ang mga multo o masasamang espirito.
Inayos ang script ayon sa kagustuhan ni Robin.
Nang ginagawa nila ang pelikula ay hindi gaanong naapektuhan si Robin dahil paputul-pu-tol ang mga eksena.
Pero nang nagda-dubbing na siya ay para siyang kinikilabutan at kinailangan niyang magpasama sa kanyang business manager sa loob ng dubbing room.
***
Kalakaran ng showbiz na lumilipat ang mga artista ng network, lalo na kapag may napakagandang offer ang isang network na mahirap hindian.
Tanggap ito ng pamunuan ng network pero hindi natin maiaalis na medyo masakit sa kanila na mapahiwalay ang artistang kanilang inalagaan at nagtagal sa kanilang kuwadra.
Ganyan siguro ang naramdaman ng pamunuan ng GMA 7 nang magpaalam si Lorna Tolentino para lumipat sa ABS-CBN.
Hindi naman nila ito pwedeng pigilan at kagustuhan na ito ng may katawan.
Ang wish na lang si-guro ng GMA 7 ay maa-lagaan din si LT sa ABS-CBN gaya ng pag-aalaga nila rito.
Nakita namin si Lorna sa GMA 7 compound noong Huwebes ng hapon nang magpaalam siya sa pamunuan ng GMA 7 kasama ang kanyang manager at nanay-nana-yang si Lolit Solis.
***
Gaya ng Pinoy Records nina Chris Tiu at Manny Pacquiao ay matagumpay din ang Kap’s Amazing Stories na consistent ang mataas na ratings.
Bukas ay bibigyan ng bonggang birthday presentation si Senador Bong Revilla sa SOP.
Mga kapamilya at malalapit na kaibigan ang makikipagdiwang sa butihing senador.
***
Napakasaya ng birthday party na ibinigay ni Mother Lily Monteverde sa mga entertainment edi-tors ng Abante at Abante TONITE na sina Dondon Sermino at Jerry Olea noong Miyerkules nang gabi sa penthouse ng Imperial Palace Suites.
Mga malalapit na kaibigang artista at kasamahan sa panulat ang dumalo. Marami ang nagpadala ng kung anu-anong regalo at pagkain.
Nag-enjoy ang lahat na inabot na nang alas-tres ng madaling-araw.
Happy birthday muli kina Dondon at Jerry!
***
Isa si Marvin Agustin sa ilang taga-ABS-CBN na lumipat sa GMA 7 at gumanda ang takbo ng career.
Matapos ang una niyang project sa GMA 7 na I Luv NY ay nagkasunud-sunod na ang mga proyekto niya sa Kapuso network.
Mukhang suwerte ang ibinigay sa kanya ng da-lawang anak niya na 3 y/o na at nag-aaral sa eskuwelahan ng ina.
May free time pa kaya si Marvin na lagi na lang nakasubsob sa trabaho niya bilang artista, sa pag-iintindi sa mga negosyo niya, at sa libangan niyang archery?
Mayroon siyang Korean coach na umaa-gapay sa kanya sa sports na ito at nakatakda siyang makipag-compete sa Asian Grand Prix sa October sa Ateneo de Manila University.
Hindi pa man natatapos ang sinenobela niyang Gaano Kadalas Ang Minsan (na napapanood tuwing hapon sa GMA 7 at mataas ang ra-tings) ay nagte-taping na si Marvin ng teledramang La Lola kasama sina JC (Sundan sa pahina 8)
de Vera at Rhian Ramos.
Marami ang naiinggit kay Marvin dahil hindi ito nababakante.
Anong magagawa ninyo kung paborito ng mga direktor at staff si Marvin na bukod sa magaling umarte at professional ay marunong itong makisama?!
Kaya siya ang kinuhang endorser ng Urban Edge, isang brand ng shirts for men.
Nang makita namin ang Urban Edge shirt na suot ni Marvin ay bagay na bagay ito sa kanya. Maganda ang tabas ng shirt na humuhubog sa katawan ng nagsusuot.
Ayon sa designer ay pangmasa at yuppie ang appeal ng Urban Edge kaya si Marvin ang naiisipang kunin ng kumpanya.