PALABAN ang morenang Ilokana na si Althea Vega na introducing sa gay film na Walang Kawala nina Polo Ravales at Joseph Bitangcol (na ipapalabas sa Nobyembre 12).
Melody Amor Cortez ang tunay na pangalan ng 20-anyos na si Althea. Tubong Cagayan province, pero lumuwas siya ng Maynila at nagtapos ng Masscom sa isang pamantasan sa Las Piñas.
Ang kanyang strong personality ang dahilan kaya siya ang napili nina Direk Joel Lamangan at Direk Manny para gumanap bilang Cynthia, ang misis ni Polo na nag-OFW sa Dubai at pagbalik dito ay sabik na sabik sa sex at atat nang mabuntis.
Napuri ni Direk Joel ang pag-arte ni Althea sa pelikula. Ani Althea, hindi siya nag-alinlangang tanggapin ang mapangahas na role dahil mga respetado sa industriya ang nakatrabaho niya sa Walang Kawala.
May tiwala kay Althea ang pamilya niyang nasa probinsya at alam ng mga ito na noon pa niya pangarap maging artista.
Dati ay nag-extra siya sa Panday ng ABS-CBN bilang diwata. Nakalabas din siya sa Magdusa Ka ng GMA at sa pelikulang Loving You bilang sekretarya ni Tonton Gutierrez.
Tatlo ang love scenes nila ni Polo sa Walang Kawala. ‘Yung una ay standing position sa may pintuan, pangalawa ay sa kuwarto, at pangatlo ay nakakatuwa dahil ang ingay-ingay niya kaya binato sila ng kapitbahay.
Walang takot na ibinuyangyang ni Althea ang kanyang size 35 na boobs. Pareho silang naka-plaster ni Polo sa love scenes nila. Type niya si Polo kaya ninerbiyos siya at nakaramdam ng kilig sa lampungan nila.
Loveless ngayon si Althea, pero nakadalawang nobyo na siya. Sa totoong buhay ay naranasan na rin daw niyang maging sabik sa sex lalo na ‘pag mahal na mahal niya ang kanyang boyfriend.
May hawig si Althea sa dating sexy star na si Tetchie Agbayani. Kung may offer ay kaya niyang mag-pose nang hubo’t hubad sa international edition ng Playboy magazine tulad ni Tetchie noon.
Handa rin siyang mag-frontal sa pelikula kung kinakailangan.
Mukhang exciting ang labanan ng mga baguhang sexy star. Kaya kayang talbugan ni Althea sina Precious Adona (ng Torotot) at Maricar de la Fuente (ng Room 213)?
“Siguro po, kaya kong makipagsabayan sa kanila. Pero mahirap pong magsalita, eh! Kasi, hindi ko po napanood ‘yung pelikula nila at saka may kakayahan ako na maaaring hindi nila magawa, at meron din sila. So, ayoko na lang pong makipag-compete,” bulalas ni Althea Vega.
***
Enjoy kaming katsikahan ang Apo Hiking Society. Kahit mga institusyon na sila sa entertainment industry ay ang babait nila at ang sasarap kausap.
Next year ay 40th anniversary nila sa showbiz at ipinagmamalaki nina Jim Paredes, Danny Javier at Boboy Garovillo na sila ang ‘most durable local group’ na hindi nagpalit ng members at never huminto mula nang magsimula sila sa industriya.
Ang sikreto roon ay gusto nilang tatlo ang ginagawa nila at hindi nila naiisip mag-retire dahil feeling nila ay hindi sila nagtatrabaho.
Sabi sa amin ni Tito Jim, ang maituturing na first hit song ng APO ay ang Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba nu’ng 1977 na siya ang sumulat.
Ang tatlong biggest hits nila in terms of audience acceptance and durability ay Pumapatak ang Ulan, Batang-bata Ka Pa at When I Met You.
Extra proud si Tito Jim sa When I Met You na ni-record nila nu’ng 1985, pero hanggang ngayon ay most requested pa rin.
Ito ang gagamiting titulo ng 2009 Valentine movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa GMA Films.
Kinausap na ang APO ng GMA Films tungkol sa nasabing kanta, na malamang si KC ang aawit bilang theme song ng V-day movie nila ni Richard.
Mamayang 8:00 PM ay magaganap ang first ever Araneta Coliseum concert ng sikat na trio na Apo of the Philippines.