Sep. 20, 2008 -Saturday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
HEADLINES
Abante Online
ENTERTAINMENT
 

Gretchen, umokey sa b-day party ni Bong

Robin, lumayas nang 2 araw

Abu Tilamzik
 

PANIBAGONG isyu na naman itong tungkol kay Gretchen Barretto na inilabas ni Kuya Ricky Lo kahapon na pinalayas na raw ito ni Tonyboy Cojuangco.
Kaagad na tinawagan namin ang manager ni Gretchen na si Kuya Boy Abunda na aminadong nagulat din daw siya sa nabasa niya.

Tinawagan daw niya si Gretchen para kumpirmahin ang balita at ang sagot daw nito sa kanya, “Tonyboy and I are okay. I did not leave the house.”
Naniniwala raw si Kuya Boy sa sagot ni Gretchen.

“Pero malay natin, ‘di ba? Hindi ko naman alam kung sinu-sino ang sources ni Ricky, ‘di ba? Aalamin pa rin natin iyan,” dagdag ni Kuya Boy.
Ilan pa sa mga taong malapit kay Gretchen ay tinanong ko at itinatanggi rin nila ang balita.

Ang pagkakaalam daw nila ay walang problema sina Gretchen at Tonyboy.
Samantala, inimbitahan ni Lani Mercado si Gretchen sa birthday party ni Sen. Bong Revilla sa susunod na linggo at umokey ito.

Tiyak na si Gretchen na naman ang pagkakaguluhan ‘pag dumating ito sa birthday ni Sen. Bong.

***

Nakausap ko si Nadia Montenegro kahapon para kunan ng sagot tungkol sa mga bintang sa kanya ni Mommy Rose Flaminiano.

Nakiusap si Nadia na huwag muna siyang interbyuhin.
Hihintayin daw niyang magsalita muna si Gabby Concepcion at saka niya pag-iisipan kung magsasalita pa ba siya.

Nahalata ko kay Nadia na galit na siya. Nagtitimpi siya dahil hindi pa panahon para magsalita siya.

Ang isyung siya ang nagsusulsol kay Gabby ay isa sa mga isyung dapat sagutin ni Nadia pero mabuting manahimik na lang muna siya para sa kapakanan ng pamilya niya.

“Wala namang nakukulong sa pagiging kaibigan. Siguro, too much na rin akong magmahal.

“Parati na lang ganito, ikaw na ang tumutulong, ikaw pa ang masama.
“Hindi ko naman pwedeng i-deprive kay Gabby ang mga bagay na hindi niya alam, kasi, matagal na rin siyang nawala,” bahagi ng text sa akin ni Nadia.
Marami pa sana siyang gustong sabihin pero huwag na raw muna para hindi na lumala pa ang gulo.

Hindi lahat ng oras ay mananahimik siya. Isa sa mga araw na ito ay magsasalita si Nadia para ipagtanggol niya ang kanyang sarili.

Aalis daw muna pa-Amerika si Nadia pagkatapos ng birthday ng anak niyang si Ynna. Kahit sandali ay matatahimik daw muna ang buhay niya.

***

Umalis kagabi patungong Paris si Robin Padilla kasama ang buong pamilya para sa promo tour ng Smart sa ilang bahagi ng Europe.
Nandito pala si Liezel Sicangco at ang isa pa nilang anak para sabay na silang umalis.

Matagal nang ipinangako ni Robin sa kanyang pamilya na magbabakasyon sila.
Ito na rin ang birthday gift niya kay Liezel na magsi-celebrate ng kaarawan sa susunod na linggo.

Kailangan daw nilang mag-bonding na buong pamilya dahil mukhang may mga kailangan pa silang ayusin ni Liezel.

Naikuwento ni Robin na muntik nang magkaroon sila ng away ng anak niyang si Queenie bago ito umalis patungong Cotabato para magdala ng tulong sa mga kapatid nilang Muslim na nabiktima ng away doon.

Ayaw sanang payagan ito ni Robin dahil sa gulo roon pero nagpilit itong anak niya.

“Nagkasakit nga ako, eh. Kasi, natatakot akong umalis siya. Dalawang araw akong naglayas. Kesa naman siya ang maglayas eh ako na lang. Babae siya, eh!” pahayag ng aktor na mukhang proud sa katapangan ng anak niya.
Matagal na raw pinlano ni Queenie na magdala ng tulong sa mga Muslim sa Cotabato kaya hindi ito nagpapigil sa kanya.

Bago umalis si Robin pa-Europe ay nagpa-presscon na muna ito para sa pelikulang Sundo na magsu-showing na sa October 22.

Pagbalik dito ay puspusan na ang promo niya sa naturang pelikula at sisimulan na rin niya ang bagong teleserye niya sa GMA 7 na Totoy Bato kung saan kasama si Queenie.

 

Microsoft Internet Explorer 7 HOME NEWS EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES