|
|
ENTERTAINMENT
Pops, ia-announce ang pagpapakasal Hong Kong -- Stop-over lang kami rito on our way to Los Angeles, California. Dahil mahigit isang oras din kami rito, inatupag na naman namin ang deadline. While waiting for our Cathay Pacific flight to L.A. (via Hong Kong), nakita namin sa Manila International Airport si Robin Padilla. Kasama ni Binoe ang isa sa mga anak niyang babae. "Papunta kaming
Australia," sey ni Binoe nang lapitan niya kami sa In-introduce kami ni Binoe sa kanyang anak. Naloka kami nang utusan ng action star ang dalagita na magmano sa amin. Sa Australia pa rin based ang pamilya ni Binoe kahit ilang buwang nag-aral ang mga anak niya sa Thailand. *** "Guilty" si Gerald Anderson sa paratang ng ibang entertainment press na hindi niya nababati ang mga ito paminsan-minsan. Ang palusot ni Gerald, malabo raw kasi ang kanyang mga mata. Kamakailan lang daw siya nagpa-lasix (laser sa kanyang mata). Nangangahulugan kaya na mas magiging malapit na ang young actor sa entertainment press at hindi na malabo ang kanyang mga mata? Anyway, sa presscon ng I’ve Fallen for You ay nag-apologize si Gerald sa entertainment press na nagtatampo sa kanya dahil sa kanyang pagiging "isnabero." Mas tatalasan na raw niya ang kanyang memorya ngayon para hindi niya nakalilimutan ang mga mukha ng entertainment press na nakakasalamuha niya sa ABS-CBN 2 o sa mga presscon. Kung may issue kay Gerald na hindi ma-PR, kabaligtaran ang ka-loveteam niyang si Kim Chui. Very retentive ang memory ng young actress. Minsan pa lang niya kaming nakita sa A.S.A.P. some months back, pero noong presscon ng I’ve Fallen for You ay kaagad niya kaming nilapitan, binati at hinalikan. Aba, puwedeng maging "darling of the press" ang ka-loveteam ni Gerald, huh! Bakit hindi mo kaya turuan ng tamang PR ang rumored boyfriend mo, Kim? *** Nakatsikahan namin si Pops Fernandez sa backstage ng gala fashion ng RRRampa for a Cause ng magkakapatid na Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez noong Linggo sa Rockwell Tent. Natuwa kami kay Pops nang pasalamatan niya kami sa pagpo-promote ng kanyang Araneta Coliseum concert na gaganapin sa Disyembre 8. Medyo matagal pa ang petsa ng concert na ‘yon ng original concert queen, pero panay na ang promote niya dahil hindi biro ang capacity ng Araneta Coliseum, huh! Isa sa napagkuwentuhan namin that night ng ex-wife ni Martin Nievera ay ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Jomari Yllana. Sabi ni Pops, nagtataka siya kung bakit napapabalitang balak nilang magpa-secret wedding ni Jomari sa Las Vegas, Nevada. Wala raw katotohanan ‘yon. "If ever na magpapakasal uli ako, ia-announce ko ‘yon. Hinding-hindi ako maglilihim. Ako mismo ang magkukuwento ng wedding plans ko if ever na totoo na nga," sabi ni Pops. Dahil obvious na mas type ni Pops na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Jomari, hindi na lang namin siya kinulit sa paulit-ulit na sigalot sa pagitan nila ni Martin. *** For feedback, email junlalin@gmail.com |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|