Allan Diones

Abu Tilamzik  

Jun Lalin

Joe Barrameda

Billy Balbastro


Showbiz Gallery


ENTERTAINMENT

Dennis at Marky, talbog sa bukol ni Aljur


Naging instant favorite ng mga baklush si Aljur Abrenica sa press presentation ng Zaido: Pulis Pangkalawakan kung saan sila nina Dennis Trillo at Marky Cielo ang mga bida.

Si Aljur kasi ang may pinakamalaking bukol sa costume nila noong gabing iyon.

Aliw na aliw ang press people sa kanya habang nakangiti lang siya.

Hindi nailang ang guwapong bagets at game na game na sumagot sa mga tanong. Halata na medyo kabado si Aljur at ingat na ingat sa pagsagot sa mga tanong.

Si Aljur ang tinaguriang ‘Ultimate Hunk’ sa Starstruck 4.

Noong bata si Aljur ay galit siya sa mga bading dahil nakaranas siyang hipuan ng isang bading.

Nawala ang pagka-homophobic niya nang lumaki na siya at nagkaroon ng mga kaibigang bading.

Na-realize niya na masayang kasama at katsikahan ang mga bading.

Inamin ni Aljur sa amin na nagkaroon siya ng bading na suitor at inalok siya ng isang bagong Honda CRV, na tinanggihan niya.

Ang offer na iyon ay mula sa isang non-showbiz gay sa probinsiya nila at pinadaan pa sa kanyang ama.

Ayon sa ama, nang magpahaging ang bading ay hindi niya agad nasakyan. Akala niya ay nagtatanong lang ito ng mga artistang makaka-date.

Bandang huli ay na-realize niyang ang kanyang anak na pala ang ino-offer-an.

Biro pa ng ama, kung siya mismo ang in-offer-an ay mabilis pa sa alas kuwatro niyang tatanggapin, sabay tawa.

Sobra ang pasasalamat ni Aljur sa role na ibinigay sa kanya sa Zaido dahil malaking bagay ito sa kanyang career.

Ang Zaido ay hango sa Japanese cartoon na Shaider. Sa lisenyang nakuha nila mula sa Japanese company ay hindi sila pinayagang gamitin ang pangalan nito, kundi ang descendants ni Shaider ang ilalarawan sa teleseryeng ito.

Zaido ang ginamit na pangalan para may rhyme sa original characters.

Ang iba pang characters ay may mga rhyme din sa pangalan sa original characters.

Sa kuwento ni Direk Dominic Zapata ay sobrang higpit ang mga Hapon na may sangkot sa creative team ng teleserye. Kahit maliliit na detalye ay ipinagpapaalam nila sa Japan. Namangha at nagulat daw ang mga Hapon dahil hindi nila sukat-akalaing ganun kabilis ang mga Pinoy na nabuo ang Zaido at ready na for airing.

Excited silang mapanood ang pilot at hindi raw yata alam ng mga Hapon na daily ang ere nito.

Maski ang production staff ay excited na mapanood ang Zaido sa Lunes, Setyembre 24, bilang kapalit ng Impostora.

***

Ipalalabas ang provocative gay movie na Ang Lalaki Sa Parola sa Robinson’s Galleria IndieSine simula ngayong Miyerkules.

Bida rito ang member ng Men of Provoq na sina Harry Laurel at Justin de Leon, at ang Viva Hotbabe na si Jennifer Lee.

Idinirehe ito ni Jay Altarejos.

***

Invitational gala premiere ng pelikulang December Boys bukas sa The Podium.

Bida rito si Daniel Radcliffe (nagbida sa ‘Harry Potter’ movies), at nasa cast din nito ang young actors na sina Lee Cormie, Christian Byers at James Fraser.

***

Magagandang project pala ang inihahanda ng GMA 7 para kay Jennylyn Mercado. Mali ang palagay ng iba na buburuhin ito ng network.

Paano nilang buburuhin si Jen ay nakakontrata ito sa GMA Artist at sila ang nagpasikat dito?

Mina-manage ng GMA Artist ang career ni Jen at bale agent lang ang business manager nito.

Kaya hindi dapat mag-worry si Jen. Balita rin namin na kasama rin si Jen sa Joaquin Burdado ni Robin Padilla.

***

Nasulat na napag-iwanan na ni Yasmien Kurdi si Rainier Castillo.

Nag-click kasi ang tandem nina Yasmien at JC de Vera. Pagkatapos ng Pati Ba Pintig ng Puso ay magkasama muli sina JC at Yasmien sa sine nobelang Pasan Ko Ang Daigdig.

Si Rainier ang bida sa episode ng Magpakailanman bukas kung saan bading ang papel
niya.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top