Allan Diones

Abu Tilamzik  

Jun Lalin

Joe Barrameda

Billy Balbastro


Showbiz Gallery


 

ENTERTAINMENT

Cristine, di sumisipot sa shooting


Sa kasalukuyan, dalawang bagay ang ipinagmamalaki ni Kim Chiu. Dalawa ang premiere night ng Star Cinema para sa pelikulang I’ve Fallen For You ni Gerald Anderson. Para kay Kim, that’s something.

Gaganapin ang unang gabi sa Cebu, ang kanyang home city, sa Setyembre 24. Sinabi ni Kim na na-text niya na ang kanyang mga classmates, friends, relatives at teachers. Dito siya natutuwa.

Sure siya ng dalawang bagay. Hindi dadalo ang mother niya (na 8 years niyang ‘di nakikita) at ang dating boyfriend niya (Chinese boy na may ibang girlfriend na).

"Flattered ako sa Cebu premiere night na ito," paliwanag ni Kim at biniro siya ni Gerald, "Hindi pwede sa amin sa Gensan dahil maliliit ang mga sinehan."

Sinabi rin ni Kim na pupunta sa Cebu premiere ang dalawang grupo ng Kimerald fans nila. Bibiyahe ang mga ito from Manila to be there.

They can afford it daw, sabi niya. Tutuluy-tuluyin na nila ang tulong sa pelikula. They can afford the plane ticket and the best hotel.

"Alam n’yo, they bought a celfone slot to plug our movie with our photos sa text messages," Kim confides. "Nagpagawa rin sila ng flyers na pinamimigay sa mga malls. Sa makapal na papel ‘yon kaya alam kong mamahalin ‘yon."

Sabi rin ni Kim na may pinagawa rin ang Kimerald na mga roving billboard sa itaas ng mga taxi at jeep to promote their movie.

***

Dahil may pera ang karamihan sa Kimerald fans, natsismis tuloy na ang dinner sa rooftop sa place ni Gerald noong birthday ni Kim ay ginastusan ng fans.

Ang bagay na ito ay idine-deny ni Gerald na nagsasabi na pa-birthday niya iyon kay Kim. Noon kasing birthday ni Gerald, binigyan siya ni Kim ng PSP (playstation).

***

Quiet lang ang Star Cinema pero right after na available si Kristine Hermosa last week, sinimulan nila ang isang pelikula.

Kasama rin dito sina Toni Gonzaga at Sam Milby.

Tamang-tama dahil bagong dating pa lang si Toni mula sa US from two shows and nagmula rin sa US si Sam Milby from his series of commitments.

Ang tentative title ng pelikula ay Big Love.

Totoo kaya na walang kontrabida sa pelikula? Mga bida sina Kristine at Toni.

***

Kung gusto mo talaga, you’ll find a way.

Dahil type ni Nadine Samonte ang papel na Adrienne sa pelikulang Nars nila ni Jennylyn Mercado, tinanggap niya ito.

Naghanap siya ng free days sa schedule niya sa taping ng Kung Mahawi Man Ang Ulap.

Naalaala tuloy namin si Cristine Reyes na dalawang beses nagbigay ng schedule sa New City para sa pelikulang Green Paradise. Last August at early September. Pero hindi naman sumisipot.

May prodyuser bang magbabayad ng P200,000 for a launching movie ng isang baguhan?

***

One for the books ang name ng produksiyon ng pelikulang Nars na ididirek ni Adolfo Jr. later this month. Carl & Carl Productions ito dahil sina Carl Balita at Carlo Maceda ang behind dito.

DZMM anchor Carl Balita owns the Carlo Balita Review Center and he is the executive producer, while Carlo Maceda is the line producer.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top