|
|
ENTERTAINMENT
Young actor, ibinubugaw ng manager Walang magagawa ang GMA 7, patuloy pa ring magsasalita si Manay Lolit Solis tungkol sa mga reklamo niya kay MTRCB Chair Consoliza Laguardia. Pati si Tito Joey de Leon ay nagsalita na rin at malinaw ang gusto nitong iparating sa MTRCB -- "Explain before I comply." Hindi raw malinaw kay Tito Joey kung ano ba talaga ang bawal at hindi na pwedeng banggitin sa TV. Kung malinaw raw itong maipaliwanag ng MTRCB at pati na rin ng GMA 7, tutuparin daw niya ito. Kaya lang, ano ba talaga ang gusto ni Chair Laguardia? Hindi na ba pwedeng magbanggit ng salitang "daya", "2-0" o "cheat" na maaring iba na ang ibig sabihin nito kay Willie Revillame? Bakit ganoon na lang ang proteksyon sa kampo ni Willie gayung sila ang may dapat na ipaliwanag tungkol sa naturang gulo? Umiinit na ang isyung bangayan nina Manay Lolit at Chair Laguardia dahil kay Joey de Leon. Teka lang, huwag nating kalimutan ang totoong isyu: may dayaan nga ba sa ‘Wilyonaryo’ segment ng Wowowee? Naipaliwanag na ito ni Willie bago siya umalis pa-Amerika at malinaw na sinabi niyang walang dayaan kundi nagkamali lang at humihingi sila ng paumanhin. Hanggang doon na lang ba iyon? Tanggap na ba iyun ng DTI at Senado na may sinimulan nang imbestigasyon? Ilabas na ang resulta ng imbestigasyon kung tapos na ba ito. Tapusin muna ito bago ang ibang isyung may kaugnayan sa gulong sinimulan ni Willie at sinakyan ng MTRCB. Kung may mga panibagong guideline na gustong ipatupad ang MTRCB, sa uulitin, sabi nga ni Tito Joey, "Explain before we comply." *** Unti-unting bumabalik na ang interes ni Gretchen Barretto sa showbiz pagkatapos niyang pansamantalang nawala dahil sa ‘kisscandal.’ Sa nakaraang RRRampa for a Cause ng Gutierrez family, bida ang Gretchen sa rampahan suot ang gown ni Inno Sotto, at ginamit ang buong kanta na mag-isa siyang rumarampa na may drama pa. Sa rehearsal pa lang ay feel na feel na ni Gretchen ang ginagawa niya sa rampa kaya napatili ng "Perfect!" ang direktor na si Robby Carmona. Masaya na raw si Gretchen at malaki ang pasasalamat niya sa suporta ng pamilya lalo na si Tonyboy Cojuangco dahil hindi siya binitiwan at buong-buo pa rin ang tiwala sa kanya. Napag-usapan ang balak nilang pag-migrate sa Europe dahil sa balak na pag-aaral ng kanilang anak na si Dominique. Syempre, hindi nila pwedeng iwan doon ang kanilang anak, kaya sasama sila lalo na si Gretchen na personal na magbabantay sa anak, Hindi pa raw ngayon ito, pero napapag-usapan na kaya mukhang malabo nang makapagtrabaho si Gretchen sa showbiz. Sa pamilya na lang daw siya nakatutok lalo na’t kailangan pa rin niyang alagaan si Tonyboy hanggang sa tuluyan na itong gumaling. Samantala, balak ni Gretchen na dalawin uli ang bago niyang pamangkin kay Claudine Barretto. Hanggang tawagan pa lang daw sila ng kanyang mga kapatid at hindi pa raw sila nagkikita uli. *** May ilang text messages akong natatanggap kung kumusta na raw ba sina Jackie Rice at Janna Roxas. Mabuti pa raw si Vaness del Moral, may Impostora. Kahit si Chuck Allie ay madalas pang nakikita sa TV. Pero si Gian Carlos ay nasaan na rin ba? Walang kuneksyon dito ang blind item ko tungkol sa isang bagets actor na galing sa isang talent-reality search na napapabalitang pwede nang ma-book sa halagang P15,000! Kamakailan lang ay may show na ginanap sa isang malaking comedy bar at karay-karay ng isang (di ko sure kung bading o tunay na lalaki) talent manager itong guwapitong bagets actor. Ibinu-book daw ni talent manager itong si bagets actor sa mga mayayamang bading na nanonood sa show. Okay na si bagets sa halagang P15,000 pero inilalako ito ni talent manager ng P25,000. Walang kumagat sa presyo kahit delicious si bagets. Lumalalim na ang gabi hanggang sa madaling araw na, wala pa ring pumatol sa ibinu-book ni talent manager. Ibinaba na ang presyo hanggang P15,000. Mababawasan na ang original price ni bagets actor pero okay lang daw dahil nakaaawa raw na uuwi itong luhaan. Kaso, wala pa rin. Ang tsikang nakarating sa akin, marami ang nagka-type at willing magbayad ng ganu’n kalaking halaga. Kaya lang, ayaw nilang makipag-deal sa talent manager na ito dahil alam nilang malaki ito mag-cut sa kinikita ng ibinebentang talent. Nakaaawa raw kung kakarampot na lang ang mapunta kay bagets actor. Susubukan na lang daw nilang kontakin ito na hindi na dumaan sa masibang talent manager. Sa mga gustong malaman kung sino itong si bagets actor, hanapin n’yo na lang ang pangalan niya sa kalendaryo, sabay awit ng "Lubi-lubi." |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|