|
|
ENTERTAINMENT
PIOLO, NATUTULALA KAY KC Na-touch si Piolo Pascual sa magagandang sinabi sa kanya ni KC Concepcion. Sa presscon ni KC kamakailan ay nabanggit ng dalaga na isa si Piolo sa mga aktor na hinahangan niya at bilib siya sa galing nitong umarte. "Wow, nakakakilig naman ‘yan!" nangingiting bulalas ni Piolo nang matsika namin siya kahapon nang tanghali sa presscon ng bago niyang album na Timeless. "Si KC, ‘pag nakikita ko ‘yan, natutulala ako, eh! Napakagandang babae! Ang saya! Ha! Ha! Ha! "’Pag nababasa ko ‘yung mga ganyan, minsan hindi ako makapaniwala, eh! Nakakataba ng puso. Sana, hindi nagmamadali si KC. Tatapusin ko muna ‘yung movie with Angel (Locsin) and I’m praying of course, na sana mag-materialize ‘yung movie namin together. "Sinabi na kasi sa akin ng Star Cinema na may pinaplano silang pelikula para sa amin ni KC. Kung hindi man kami matuloy sa movie, sana we can do a song together because I know na maganda ang boses niya," sabi pa ng numero unong heartthrob ng ABS-CBN. Ani Piolo, mauuna niyang gawin ang teleserye at pelikula nila ni Angel bago ang anumang KC project. Sa tanong kung okey lang sa kanyang si Direk Lino Cayetano (rumored boyfriend ni KC) ang magdidirek ng pelikula nila, ang sagot niya ay nakakailang daw siguro ‘yon. Kaibigan niya raw si Direk Lino pero sana raw ay iba na lang ang magdirek ng movie nila ni KC kung saka-sakali, lalo na kung love story ang gagawin nila. Kung kailangan niyang mamili between KC and Angel, sino ang mas pipiliin niyang maging kapareha? "Ang pogi ko, di ba? Ha! Ha! Ha! Mahirap pumili sa pagkakataong ito, eh!" matipid niyang sagot na nagpapaka-safe. Bukod sa first time niyang nag-co-produce ng album with Star Records ay first time din ni Piolo na mag-compose ng awitin sa Timeless. Dalawang songs sa 16-track CD ay kanyang original composition -- Why Can’t We Be Together? at There For Me. Ang ballad na Why Can’t We Be Together? ay isinulat niya para sa isang babaeng malapit sa puso niya pero ayaw niya itong pangalanan kahit anong kulit namin sa kanya. "Last year ko kinompows ‘yung song for her. At that time, I was so inspired, we worked together at sinabi ko sa kanya na, ‘Ginawa ko ‘yung song for you.’ "No, wala siyang ibang mahal that’s why we can’t be together. Siguro, hindi lang akma sa panahon. Maybe it’s not yet the right time," sey ni Papa P. Tinanong namin siya nang
diretso kung si Basta ang binigay niyang clue ay kilala namin ang nasabing ‘mystery girl’ sa buhay niya at nabanggit niyang dumalaw pa ito sa studio habang nire-record niya ang nasabing kanta na alay niya para rito. "Ayoko na pong i-reveal kung sino siya because ayoko rin siyang madawit pa sa publicity. It’s something very special and I think she deserves her privacy," sambit pa ni Piolo. *** Hiningan namin ng reaksyon si Dennis Trillo sa napipintong ‘head on collision’ ng telefantasya ng GMA na Zaido: Pulis Pangkalawakan at ng Lastikman ni Vhong Navarro ng ABS-CBN na sabay magpi-premiere sa Lunes, Setyembre 24. "Malakas po ang paniniwala ko sa Zaido dahil nakita ko lahat ng paghihirap ng mga tao sa show namin, mula sa direktor hanggang sa staff and crew. "So, naniniwala akong kaya namin (ang katapat) dahil ang Zaido po ay bago para sa mga bata at sa lahat ng mga manonood. I feel na ang bago, mas maku-curious ang mga tao dahil hindi pa nila ito napapanood," dayalog ni Dennis sa press launch ng Zaido kamakalawa nang gabi sa Studio 3 ng GMA Network. Ibig niyang sabihin, luma na ‘yung sa kabila? "Hindi naman luma, pero ang Lastikman kasi, nagawa na sa movies nang ilang beses. Siyempre, iba ang treatment nila sa TV, pero ito ‘yung sa amin eh, kaya malakas ang paniniwala ko na kaya ng Zaido ang kalabang programa," paliwanag niya. Nakaagaw ng pansin ng showbiz press ang hapit na hapit na Zaido costumes nina Dennis, Marky Cielo at Aljur Abrenica dahil bumabakat-bakat ang harapan ng tatlo. Dusa ba ang pagsusuot ng kanilang superhero outfit? "Ang pinakadusa rito eh, ‘yung mainit siya lalo na ‘pag may fight scenes. Pero doon sa studio na pinagteteypingan namin ngayon, magandang warehouse siya na malinis at medyo malamig ‘yung environment dahil sa mga aircon kaya medyo kumportable na rin. Sanayan lang," ani Dennis. Okey lang ba sa kanya na sobrang hapit sa katawan niya ang kanyang costume? "Okey lang, ganu’n talaga, eh! Ganito kasi ‘yung mga costume ni Shaider noon, eh!" Nako-conscious ba siya na bumabakat ang dapat bumakat? "Nu’ng una siyempre, talagang mako-conscious ka. Kasi, first time naming magsuot ng ganito ka-tight na spandex na mga damit. Pero maraming tao rin ang magiging interesado na mapanood kami. Kasama talaga ‘yon sa karakter, so tanggapin mo na lang," Wala bang padding ang kanyang harapan? "Sa akin, wala. Kasi, ‘pag may padding, parang lalong nawawala, eh! ‘Pag masyadong makapal, parang hindi na siya totoo. Basta iba, iba ang dating!" So, confident naman siya sa bumabakat-bakat niyang ‘bukol’? "Oo, okey naman," napapangiting sagot ni Dennis. Naniniwala ba siyang magiging bentahe rin ‘yon ng Zaido na may ganoong bumabakat-bakat sa kanilang tatlo? "Well, hindi ‘yun ang pinaka-main na bentahe, pero kasama na rin ‘yon. Siyempre, ang bentahe ng show eh, ‘yung talent namin, ‘yung magagandang costumes, ’yung production design at ‘yung quality ng pagkakagawa ng Zaido." Okey lang ba sa kanyang pagnasaan siya ng mga babae’t bading dahil sa kanyang bukol? "Okey lang! Mas mabuti na ‘yung pinagnanasaan ka kesa ‘yung hindi ka pinapansin, di ba? Mas maganda ‘yung pinag-uusapan ka palagi. Kung hindi, eh di wala ka na sa sirkulasyon!" natatawang sagot ni Dennis, na gumaganap bilang si Gallian (Blue Zaido), ang kapitan ng Galactic Force at pinakamagaling na pulis pangkalawakan sa Zaido. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|