|
|
SPORTS
UPDATE
Wolves, Chevrons magigilas Agad na nagparamdam ng
gilas ang host Don Bosco Technical College-Mandaluyong City at ang De La
Salle University-Lipa City nang walang Pinatilapon ng Don Bosco Grey Wolves ang First Asia Institute of Technology and Humanities-Tanauan, Batangas sa men’s basketball via 74-52 win, habang minasaker din ng DLSU-LC Chevrons ang San Beda College sa women’s basketball, 68-50. Si Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos, Jr. ang sumalubong sa may daang delegado ng mga atleta at opisyal kung saan pinokus niya ang talumpati sa tema ngayong taon ng liga na "Grounded in Goodwill, Soaring in Sports". Ang kagaya niyang alumnus ng host school na si Vice Mayor Renato Sta. Maria ang nag-abot ng simbolikong susi sa NCAA-South Policy Board at si Councilor Edward Bartolome ang namuno sa pag-usal ng Oath of Sportsmanship. Ibinaba ang sulo mula sa itaas ng gym ng Mountaineering Society at ipinasa kay Aldo Perez na itinakbo nito saka iniabot sa kapwa niya former Philippine Basketball Association player na si Alex Marquez na nagsindi ng urna. Ang mga partisipante pang koponan rito ay ang Letran College-Calamba City, Lyceum of the Philippines-Batangas, Philippine Christian University-Dasmariñas, San Beda College-Muntinlupa City, San Pablo Colleges-Laguna at University of Perpetual Help-Biñan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|