MANINIGURO ANG ATENEO

Thai, lagay sa una

Walang labanan sa Loyalty Run

Squires, alpas sa Red Cubs

Wolves, Chevrons magigilas


 

 

 

SPORTS UPDATE

Squires, alpas sa Red Cubs

(Mark Escarlote)


Kumapit ang Letran College sa tatag ng kanilang mga tauhan upang ilaglag ang San Beda College, 96-92, at umakyat sa Finals ng 83rd National Collegiate Athletic Association junior’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Makakalaban ng Squires, na huling nakopo ang titulo ng junior’s noong 2001, sa best-of-three championship showdown ang ‘three-peat’ seeking San Sebastian College.

Ikinamada ni Philip San Jose ang 15 sa kanyang career-high 26 points sa third period upang pangunahan ang Letran Squires. Nakatuwang niya ang Alas brothers na sina Kevin na nagtala ng 18 points at Kristoffer na may 14 points habang si John Noble ay pumutok ng 15 points.

"‘Yung defense namin gumana especially noong first half and good thing naging matatag ang mga bata down the stretch. I’m happy that we are back in the finals," ani Letran coach Elmer Latonio, na huling pumasok sa Finals noong 2004 kung saan tinalo sila ng Red Cubs.

"It’s going to be a tough series, San Sebastian is the defending champion and they have the leading MVP contender
(Ryan Buenafe). But we’ll do everything we can to bring the junior’s title back in Intramuros," dagdag pa ni Latonio sa Finals nila ng Staglets na magsisimula sa Miyerkules.

Hinawakan ng Squires ang 60-45 cushion sa halftime na inalagaan nila hanggang sa payoff period, 90-80.

Nakipkip ng Staglets ang unang finals berth nang patirikin ang host Jose Rizal University Light Bombers, 85-74, habang ang Red Cubs ang pumuwersa ng sudden-death sa pamamagitan ng 96-86 pagbitin sa Squires noong Miyerkules.

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top