MANINIGURO ANG ATENEO

Thai, lagay sa una

Walang labanan sa Loyalty Run

Squires, alpas sa Red Cubs

Wolves, Chevrons magigilas


 

 

 

SPORTS UPDATE

Walang labanan sa Loyalty Run

(RC)


Napagkaisahan ng organizers at sponsors ng CHEAA (College of Human Ecology Alumni Association, Inc.) sa University of the Philippines-Los Baños 3rd Loyalty Run 2007 na ibaba muna ito sa non-competitive mula competitive para maituon ang katuwaan at pagkakaisa ng mga nag-aral, nagtapos at iba pang mga bumubuo sa UPLB sa Laguna.

Ipinabatid ni CHEAA treasurer at Run coordinator Ledenila T. Dalupang ang bagay na ito kay RunCPI (Runners Confederation of the Philippines, Incorporated) board member/secretary Rosemarie Casareo para na rin sa kaalaman ng mga mananakbong taun-taong dumarayo sa event.

Sa liham ni Dalupang kay Casareo na may petsang Setyembre 5, inihayag na nabuo ang pasya ng organizers at sponsors nila noon lang Set. 4.

"The event this year will be purely "fun run" so we will not be giving away cash prizes and trophies. Participants will be mostly non-professional runners and UPLB alumni. Our major sponsor would like to concentrate our resources for the 2008 Centennial Run to commemorate UPLB’s 100 years of existence," esplika ni Dalupang. "We will go back to a competitive run next year so expect us to invite the professional runners again."

Lahat ng interesanteng tumakbo ay puwede pa ring sumali. Kailangan lang ipabatid ito sa CHEAA upang makapagbigay pa ng mga detalye sa wala nang kumpetisyong okasyon.

Pinasalamatan din ni Dalupang si Casareo sa pagkakaroon ng interes ng maraming koponang kasapi sa RunCPI, isa na ang MRC na kinasasapian din ng huli sa taunang CHEAA UPLB Run. Tiniyak din ni Dalupang na mas pagbubutihin pa nila ang event na may mga papremyo na’t pasorpresa pa sa susunod na taon kasabay sa paghingi ng paumanhin sa mga mananakbo. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top