MANINIGURO ANG ATENEO

Thai, lagay sa una

Walang labanan sa Loyalty Run

Squires, alpas sa Red Cubs

Wolves, Chevrons magigilas


 

 

 

 

SPORTS UPDATE

Naglaho ang posesyon kay Kristoffer Alas ng Letran College nang masundot ang bola ni Dennis Bernas ng San Beda College sa isang tagpo ng kanilang semifinals knockout game sa 83rd National Collegiate Athletic Association juniors basketball tournament sa San Juan Arena sa San Juan City kahapon. (John Paulino)

MANINIGURO ANG ATENEO

(Mark Escarlote)


Standings W L

*-UE 14 0

ADMU 9 4

DLSU 9 5

x-UST 8 6

x-FEU 8 6

NU 5 8

AdU 1 12

UP 0 13

*-automatic finalist

x-playoffs for No.4 spot

 

Mga laro ngayon:

(Ninoy Aquino Stadium)

2:00 p.m. -- UP vs AdU

4:00 p.m. -- ADMU vs NU

 

Magkaiba man ang importansya, pilit pa ring hahablutin ng second running Ateneo de Manila University at winless University of the Philippines ang tagumpay laban sa kani-kanilang mga katunggali ngayon sa huling elimination round matches ng 70th season ng University Athletic Association of the Philippines men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Haharapin ng ADMU Blue Eagles ang National University Bulldogs sa alas-kuwatro ng hapon habang curtain-raiser naman ang sagupaan ng UP Fighting Maroons at Adamson University Falcons sa alas-dos ng hapon.

Hindi na dadaan ang liga sa Final Four format matapos kopoin ng University of the East Red Warriors ang automatic Finals seat sa pagtatala ng league at team record na 14-0 sweep sa two-round eliminations.

Susubukan ng Katipunan-quintet na maisemento na ang pag-upo sa No.2 spot, na magbibigay sa kanila ng twice-to-beat incentive kontra sa mananaig sa pagitan ng No.3 at No.4 squad sa unahan para sa pinakahuling Finals seat.

Ngunit kung mabibigo naman ang Ateneo (9-4) ay dadaan pa sila sa butas ng karayom kontra sa archrival at third running De La Salle University (9-5) para sa karapatan sa second seed sa pamamagitan ng isang do-or-die match.

Nasa kamay pa rin ng Blue Eagles ang lahat ng pagpabor sa rematch nila ng NU, na tinalo nila, 66-65, sa first round, dahil sa natamong five-game winning streak kung saan pinakahuli nilang biniktima ang
DLSU Green Archers, 89-87, noong Linggo.

"We only beat them by one point the first time around. All we have to do is beat NU and we are number two," ani Ateneo head coach Norman Black.

Pagsasalba naman sa kahihiyan ang pakay ng Fighting Maroons mula sa 0-13 card at tatangkaing maiwasan ang bokyang season, kagaya ng kinasadlakan ng Adamson noong 2001.

Hindi magiging madali ang daan para sa koponan ni UP coach Joe Lipa dahil sila lamang ang tanging team na nadagit ng Falcons, 95-76, noong Agosto 2 upang maibandera ang 1-12 record.

Una nang nakaiskedyul sa isang playoffs para sa No.4 slot ang defending champion University of Sto. Tomas Tigers at Far Eastern University Tamaraws, na nagsosyo sa fourth place sa 8-6 card.

Nakapuwersa ang Tamaraws ng do-or-die match nang gapiin ang España-based squad, 84-73, noong Huwebes. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top

-->