|
|
ENTERTAINMENT
Ruffa, ineklay ni Rufa Mae Hindi pa nagsisimula ang Gawad Urian noong Huwebes sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo ay matunog na ang pangalan ni Rustom Padilla na mananalong best actor para sa ZsaZsa Zaturnnah. Ilang kaibigan ni Rustom ang nagbalak na bigyan siya ng victory party that night sa The Peninsula Manila at si Rufa Mae Quinto raw ang taya. Si Robin Padilla pa ang kinuhang presenter para sa best actor category, kaya duda ng marami na si Rustom na nga ang winner. Eh, pagbasa ni Binoe ng best actor winner ay pangalan ni Mark Gil ang unang binasa niya, kaya nadismaya ang mga kaibigan ni Rustom. Mabuti na lang at mabilis niyang sinambit ang "… at si Rustom Padilla." Tuwang-tuwa si Rustom sa kanyang pagkapanalo (kahit pa tabla sila ni Mark). Bago pa nakapag-acceptance speech si Rustom ay tumatawag na si P-chi (Rufa Mae) kay Ruffa Gutierrez (na nasa backstage at magpe-present sa best actress category). "Friendship, halika na rito sa house ko, nandito na ang lahat at nagse-celebrate. Nandito na rin sina Ogie (Alcasid) at Regine (Velasquez)," pang-eeklay ni P-chi. "Ano’ng nandiyan na si Regine, eh, katabi ko siya rito sa backstage," sagot ni Ruffa sa sexy comedienne at tawa na siya nang tawa. Pagkatapos mag-present ni Ruffa ng best actress award ay dumeretso siya sa bahay ni P-chi somewhere in Libis at doon na ang celebration para sa pagkapanalo ni Rustom ng best actor award. "Maaga pa kasi ang flight ni P-chi kinabukasan for Davao. Saka ginabi na kasi ang URIAN, kaya sa house na lang kami ni P-chi. "I stayed for 20 minutes lang at ang tagal ni Rustom. Nag-celebrate daw kasi sila ni Robin. Noon lang yata sila nag-usap uli. Mga 2:00 AM na nakarating si Rustom sa bahay ni P-chi. "Nagpunta rin sa celebration sina Nadia, Billy (Crawford at nali-link kay P-chi), Ogie, Pops (Fernandez), Jomari (Yllana) at iba pang friends nina Rustom at P-chi. "Inabot daw sila ng hanggang 4:00 AM. I can’t stay long naman kasi I have Kokey taping pa," kuwento sa amin ni Ruffa. Kuwento ng ibang mga um-attend ng celebration na ‘yon, parang nasa cloud nine si Rustom sa sobrang saya. "I feel so blessed!" ang dialogue ni Rustom sa kanyang victory party. Oo nga pala, bago nag-present ng best actor award si Robin ay nakatsikahan namin ito sa backstage. Ikinuwento niya sa amin na nag-enjoy siya sa kanyang two-week vacation sa Turkey. Biniro pa niya si Ruffa na mukhang mas nalibot niya ang Turkey, dahil nagpunta siya sa iba’t ibang lugar doon. Muntik na rin daw pumunta ng Iraq si Robin, pero hindi lang daw pumuwede at may annotation sa kanyang passport na bawal pumasok sa bansang ‘yon. *** Dumalaw kami noong isang gabi sa taping ng Pasan Ko ang Daigdig na pinagbibidahan nina JC de Vera at Yasmien Kurdi. Kahit mahigpit si Direk Joel Lamangan, walang tensiyon sa set. Panay pa ang biruan nina JC at Yasmien bago mag-blocking. During their blocking, tahimik na ang dalawa at nakikinig kay Direk Joel. "Mahigpit po si Direk Joel, pero masaya kaming katrabaho siya. Marami po kaming natututunan kay Direk Joel," sey ni JC. Happy si Yasmien dahil kahit mahihirap ang mga eksenang kinukunan sa kanila, kadalasan ay hindi sila umaabot ng midnight.
Mabilis magtrabaho si Direk Joel at hindi puwede sa batikang direktor na darating ang kanyang mga artista sa set na hindi nagbasa ng script. *** Nakatutuwa ang mga artistang may booth sa charity bazaar ng RRRampa for a Cause, sila mismo ang nag-aasikaso ng kanilang mga ibebenta bukas (8:00 AM-5:00 PM sa Rockwell Tent). Si Chynna Ortaleza, pati meeting ng lahat ng mga may booth sa charity bazaar ay in-attend-an niya. Ang alam namin, bukod sa mga personal na gamit, magbebenta ng accessories si Chynna na siya mismo ang gumawa. Kapag kasi hindi busy sa kanyang showbiz commitments, katulad ng nanay niyang si Leah, gumagawa ng accessories si Chynna. Unique ang designs ng accessories ni Chynna, kaya kahit wala siyang puwesto para sa mga ‘yon ay maraming tinatanggap na order ang young actress. Si Raymond Gutierrez naman mismo ang magbabantay sa kanyang mga paninda. Last year kasi ay medyo late dumating sa charity event ng kanyang Ate Ruffa si Raymond at wala na siyang panindang inabutan. "Maaga akong darating sa celebrity bazaar at ako mismo ‘yung magtitinda. Para mas ma-feel ko ‘yung event na ‘yon," pahayag sa amin ni Raymond. Nagpapasalamat si Raymond sa lahat ng sponsors ng RRRampa for a Cause lalo na sa GMA 7, Calayan Surgicentre, Nestle, Make Up Forever at pati kay Manny Pacquiao, na personal niyang pinasalamatan nang magkita sila sa S.O.P. noong Linggo. *** For feedback, email junlalin@gmail.com |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|