|
|
ENTERTAINMENT
ROBIN AT RUSTOM, NAGYAKAP NANG MAHIGPIT Big winner ang indie film na Kubrador (The Bet Collector) sa ika-30 Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino kamakalawa nang gabi sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University (at ipinalabas kagabi sa RPN-9). Limang tropeo ang nakolekta ng Kubrador mula sa 13 parangal na ipinamahagi ng Manunuri, kabilang ang Best Actress para kay Gina Pareño, Best Director kay Jeffrey Jeturian at Best Picture. Mukhang bago pa siya nagpunta ng Ateneo ay alam na ni Ms. Gina na siya ang magwawagi, pero mangiyak-ngiyak pa rin siya pagtanggap sa kanyang Urian Best Actress trophy na apat na dekada raw ang inabot bago niya napanalunan. Mahilig sa tabla ang Gawad Urian, pero first time na magkaroon ng dalawang winners sa Best Actor category na pinaghatian nina Mark Gil (para sa Rotonda) at Rustom Padilla (ZsaZsa Zaturnnah Ze Moveeh). Ayon kay Mark, 1983 pa nang
huli siyang manalo sa Urian (Best Supporting Actor para sa Palipat-lipat,
Papalit-palit) at kapapa- Twenty-four years later na muli siyang nagwagi ay katunggali na niya sa pagka-Best Actor ang anak niyang si Sid (na nominado para sa Donsol). Madamdamin ang acceptance speech ni Rustom, dahil ang utol niyang si Robin Padilla (na Best Actor last year for La Visa Loca) ang nag-abot ng kanyang tropeo. Hiyawan ang audience nang magyakap nang mahigpit ang magkapatid. Ayon kay Rustom, nang ialok sa kanya ni Mother Lily Monteverde ang ZsaZsa Zaturnnah, ay hindi niya alam kung anong klaseng proyekto ito dahil nu’ng lumabas ang comic book ng ZZZ ay ‘yun ang taon na nagpunta siya ng Amerika upang hanapin ang sarili niya. Maliit pa raw siya ay pangarap na niyang magkaroon ng ganoong award. Inialay niya ito sa kanyang inang si Mommy Eva na kahit hindi raw niya madalas na nakakausap ngayon, ay alam niyang naniniwala na puwede siyang maging marangal na tao. "‘Tol, maraming salamat! I’m so proud of you!" bulalas niya patungkol kay Robin. "Sabi ko nang pinanood ko ‘yung La Visa Loca, mananalo ka ng award. Little did I know that after one year ay siya mismo ang magbibigay sa akin ng award, na kailanman ay hindi ko inisip na mapapanalunan ko," sambit ni Rustom, na naunang mag-Best Actor sa Gawad Tanglaw para sa kanyang gay role bilang Ada sa ZZZ. Si Rafael Rosell ang tinanghal na Best Supporting Actor para sa lesbian film na Rome and Juliet. Si Meryll Soriano ang Best Supporting Actress para sa Rotonda. Hindi nakarating ang kapapanganak lang na si Meryll, dahil wala raw damit na magkasya rito kaya ang tiyuhin niyang si Mel Martinez ang tumanggap ng kanyang award. Nalungkot kami para kay Maricel Soriano, dahil naunahan pa ito ng pamangkin niyang si Meryll na magkaroon ng Gawad Urian. Nominadong Best Actress this year si Marya para sa Inang Yaya, pero hindi rin ito nakadalo dahil may taping ng John En Shirley. *** Ang industry leader at dating prodyuser na si Ms. Marichu Vera-Perez Maceda ang pinagkalooban ng Natatanging Gawad Urian (for lifetime achievement) sa taong ito. Pahabaan ng speech si Manay Ichu at ang producer ng Kubrador na si Atty. Joji Alonso. Hosts nu’ng gabing ‘yon sina Regine Velasquez at Janno Gibbs. Na-stress ang Songbird sa sobrang tensyon, dahil hindi siya sanay mag-host ng awards night. Nanginginig daw ang kamay niya habang nagbabasa ng cue cards. Ang partner niyang si Janno ay cool na cool lang at panay ang patawa. Stand-uppers sina Jose Manalo at Wally Bayola na kuwelang-kuwela ang short comedy skits, bago magbigay ng award o mag-commercial gap. Aliw ‘yung spoof nila kina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng Kasal, Kasali, Kasalo. Trophy girls ang EB Babes na si Saida at Joyce. Opening number sina Janno at Randy Santiago, may solo dance number si Billy Crawford, may musical tribute si Christopher de Leon kay Manay Ichu at finale ang showdown ng OPM songs nina Regine at Kuh Ledesma. May dubbing ng Tuseran commercial si Juday (na nominadong Best Actress para sa KKK) nu’ng gabing ‘yon kaya si Rhian Ramos ang kasamang nag-present ni Ryan Agoncillo (Best Actor nominee para sa KKK). Ang iba pang presenters ay sina Cherry Pie Picache at Jiro Manio, Pauleen Luna at Marky Cielo, Kim Chiu at Gerald Anderson, Yasmien Kurdi at JC de Vera, Wendell Ramos at Jennylyn Mercado, Jaclyn Jose (na solong nag-present ng Best Picture/Best Director) at Ruffa Gutierrez (solong nag-present ng Best Actress). Magkasama that night ang ex-lovers na sina Paolo Paraiso at Mylene Dizon (Best Actress nominee para sa Rome and Juliet). Si Mark Gil ay kasama ang misis na si Maricar habang si Sid Lucero ay kasama ang inang si Bing Pimentel. Kaya dayalog ni Ms. Jaclyn Jose sa backstage, present nu’ng gabing ‘yon ang tatlong babaeng naugnay kay Mark. Ang APT Productions ni Mr. Tony Tuviera ang nag-produce ng mabilis at pulidong Gawad Urian. *** Narito ang kumpletong talaan ng mga nagwagi sa ika-30 Gawad Urian: Pinakamahusay na Pelikula: Kubrador (MLR Fims) Direksyon: Jeffrey Jeturian (Kubrador) Pangunahing Aktres: Gina Pareño (Kubrador) Pangunahing Aktor: Mark Gil (Rotonda) at Rustom Padilla (ZsaZsa Zaturnnah) Pangalawang Aktres: Meryll Soriano (Rotonda) Pangalawang Aktor: Rafael Rosell (Rome and Juliet) Dulang Pampelikula: Chris Violago at Connie Macatuno (Rome and Juliet) Sinematograpiya: Roberto Yniguez (Kubrador) Editing: John Torres (Todo Todo Teros) Musika: Vincent de Jesus (ZsaZsa Zaturnnah) Tunog: Ronald de Asis (Tulad ng Dati) Disenyong Pamproduskyon: Leo Abaya (Kubrador) Maikling Pelikula: Putot (Jhek Cogama) Natatanging Gawad Urian: Marichu Vera-Perez Maceda |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|