|
Ang pitak na ito ay bukas at handang magpayo sa problemado ninyong puso. Isulat lamang at ipadala ang inyong mga liham sa Abante TONITE c/o Tita Nora, #167 Liberty Bldg. Roberto S. Oca St., Port Area, Manila.
|
PUBLIC
SERVICE
Problemado sa lover Dear Tita Nora, Sa ngayon po ay naguguluhan ako at di alam kung ano ang mangyayari sa buhay ko. Naghiwalay kami ng mister ko. Iniwan ko siya dahil lagi kaming nag-aaway at pera ang laging dahilan dahil lagi kaming kapos. Nawalan kasi siya ng trabaho. Nasa poder niya ang isa naming anak kasama ang biyenan ko. Naghanap ako ng trabaho. Napasok ako sa isang bakery bilang cashier. Dito kami nagkakilala ni Andrew, isa siyang panadero. Humingi ng tawad ang asawa
ko at gusto niyang Napalapit na kasi ang loob ko kay Andrew. Para na rin kaming mag-live in. Hindi alam ng mister ko ito. Ayokong ipaalam dahil baka sugurin niya ako at saktan kaming dalawa ni Andrew. Ang problema ko ngayon ay nadiskubre kong mas malala pa pala ang pag-uugali ni Andrew sa mister ko. Nananakit siya at nagbabasag ng gamit pag nakipagsabayan ka sa galit niya. Minsan ay hinahamon pa niya akong bumalik na lang sa mister ko dahil malandi daw ako at nakakahiyang ipakilala sa pamilya niya dahil may-asawa na ako. Napakasama niya, Tita Nora. Porke’t nakuha na niya ang gusto niya sa akin ay nagmamalaki na siya at gusto nang tapusin ang relasyon namin tutal ay binata pa siya samantalang may-asawa na raw ako. Hindi ko alam ngayon ang gagawin ko, Tita. Hindi ko naman siya kayang iwan.
Lita
Dear Lita, Kung ayaw mong lalong gumulo ang buhay mo’y putulin mo na ang pakikipagrelasyon kay Andrew tutal ay siya na rin naman ang naghahamong tapusin na ang relasyon ninyo. Kung tutuusin, kahit hindi ka pa niya hamunin ng hiwalayan ay tama lang na ikaw na mismo ang lumayo sa kanya. Tandaan mo sanang may-asawa ka na. Anu’t anuman ang mangyari ay maaari kang makasuhan dahil hindi pa naman legal ang paghihiwalay ninyo ng iyong asawa. Isa pa’y paano ka magkakaroon ng kapanatagan at liligaya sa piling ni Andrew kung ganyang bukod sa nagsasalo kayo sa kasalanan ay nananakit pa siya. Mag-isip ka at idilat ang
mga mata mo, Lita kung Imbes na sariling kaligayahan mo lang ang intindihin mo’y isipin mo rin at isaalang-alang ang kapakanan ng mister mo lalo na ang kinabukasan ng inyong anak. Kung may pagmamahal ka pa’t pagmamalasakit sa asawa’t anak mo’y balikan mo sila at mag-umpisa uli kayo. Higit niyang kailangan ngayon ang pagmamahal mo’t suporta dahil jobless siya. Huwag mong hayaang tuluyang masira ang pagsasama ninyo dahil lang sa pera. Huwag mo ring hanapin sa iba ang pagkukulang niya. Sa halip na isugal mo ang puso mo sa isang lalaking ngayon pa lang ay itinatakwil ka na’t sinusumbatan ay maiging ayusin mo na lang ang iyong pamilya. Good luck and God bless you.
Love, Tita Nora
|
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|