|
|
PUBLIC
SERVICE
Atkins diet Nagkaroon ng bagong katibayang siyentipiko ang Atkins diet. Ito ay isang mahusay na paraan upang mabawasan ang bigat at katabaan ng isang tao. Noong taong 1972, si Dr. Robert Atkins ay sumulat ng librong Dr. Atkins Diet Revolution at noong 1992, ang Dr. Atkins New Diet Revolution. Ang dietang ito ay nagpapayo na kumain kayo ng karne at ng masasarap na pagkain at iwasan ang "refined carbohydrates" (mga gulay, kanin, atbp.). Salungat ito sa inaakala noong taong 1960s na ang carbohydrate ay mahusay na pagkain at ang mga taba (fats) ay masama. Sabi ni Atkins, na namatay noong 2003, na ang mahigpit na pagbawas na kumain ng carbohydrates at damihan ang pagkain ng protein ay makakapagpalakas ng pagsunog ng calories sa katawan kaya’t hindi mapanganib kumain ng mga pagkain (mantequilla, keso, karne, atbp.) na inaakalang nagpapataba. Itong dietang ito ay naging popular sa mga tao ngunit hindi talaga pinaniwalaan ng maraming doctor at nutritionists. Sa isang taong pagsusuri sa Stanford University na ginawa kamakailan lamang, apat na uri ng dieta ang pinag-aralan sa 311 matatabang babae na wala pang menopause. Ito ay ang carbohydrate-minimizing Atkins diet, ang low-fat high-carbohydrate LEARN (Lifestyle, Exercise, Attitude, Relationships, and Nutrition), and low-carbohydrate Zone diet, at ang high-carbohydrate Ornish diet. Matapos ang isang taon, ang mga babae na nasa Atkins diet ay nabawasan ng 10.4 lbs. ang nasa LEARN - 5.7 lbs., ang nasa Zone - 3.5 lbs., at ang nasa Ornish - 4.8 lbs. Nakita rin na matapos ang isang taon, ang nilalaman na lipids (fatty acids and glycerides), insulin, glucose, at ang blood pressure ay halos pareho o mas mababa kapag Atkins diet ang ginamit kaysa sa tatlong ibang dieta. Sabi ni Christopher Cardner, ang namuno sa grupo na gumawa ng pagsusuri sa Stanford University, na ang pag-aalala na masamang epekto sa metabolism ng Atkins diet ay hindi nangyari matapos ang isang taong pagsusuri. Sabi ni Jacqueline Eberstein, isang kasama ni Dr. Robert Atkins, na hindi kataka-taka ang naging resulta ng pagsusuri. Ito raw ay isang pagtatanggol sa gawain ni Dr. Atkins na hindi pinaniniwalaan ng gobyerno, ng food industry, at ng maraming siyentipiko. Nakasulat sa librong Dr. Atkins New Diet Revolution na puwede ninyong kainin ang mga pagkain na gusto ninyo - cheeseburger, steak, at iba pang masasarap na pagkain upang mapalakas ang metabolism at sunugin ang taba at mabawasan ang bigat ng katawan. |
Website comments and suggestions contact:
Copyright © 2005 Monica Publishing Corporation Best viewed in 1024 x 768 resolution. All rights reserved
|
|||
|
|