ERAP AAPELA PAGBABA NI GLORIA

Erap case nagamit na pasaporte sa SC

Testigo sa broadband nababahag

Gloria napahiya sa paglaya ni Joma


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Gloria napahiya sa paglaya ni Joma

(Bernard Taguinod/Rey Marfil)


Hindi matanggap ng Arroyo administration ang kanilang pagkatalo kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder chairman Jose Maria "Joma" Sison.

Ganito inilarawan ni Bayan Muna party-list Rep. Satur Ocampo ang plano umano ng Malacañang sa pamamagitan ni National Security Adviser Norberto Gonzales na kalkalin pa ang iba pang kaso ni Sison matapos itong palayain ng Dutch court kamakalawa.

"Napahiya lang sila lalo na si Bert Gonzales. Pumalpak ang ipinagmalaking kaso niya na pinuri ni GMA," pahayag ni Ocampo kaya hindi na ito magtataka kung lalong ipupursige ng kalihim ang kanyang krusada sa anumang paraan.

Ang labis na kinatatakutan lamang ng kongresista ay muling mag-iimbento umano ang gobyernong Arroyo ng mga panibagong kaso upang ituloy ang pangha-harass kay Joma.

Natatakot naman si Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casiño na tuluyan nang nawalan ng pag-asang maipagpatuloy ang peace talks dahil sa patuloy na panggigipit kay Sison.

Ayon kay Casiño, malabo na umanong maipagpatuloy ang peace talks hangga’t hindi tinatantanan ng administrasyong Arroyo ang grupo ni Sison na nakabase ngayon sa The Netherlands.

Katakut-takot na kantiyaw din ang natikman nina Mrs. Arroyo at Gonzales mula kay Sen. Jamby Madrigal, katulad ang alegasyong malaking sampal sa mag-amo ang nangyari kay Sison at patunay aniyang puro kasinungalingan ang ibinibigay na impormasyon sa pamahalaang Netherlands.

"This is a slap on the face of Mrs. Arroyo and Secretary Norberto Gonzales. The release of Professor Joma Sison proves that the government of Mrs. Arroyo and her national security adviser made false representations with the Dutch government," anang lady solon. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top