ERAP AAPELA PAGBABA NI GLORIA

Erap case nagamit na pasaporte sa SC

Testigo sa broadband nababahag

Gloria napahiya sa paglaya ni Joma


Hulaan Blues

Crime Stories


 

TOP STORIES

Erap case nagamit na pasaporte sa SC

(Bernard Taguinod/Grace Velasco)


Mistulang nagamit na pasaporte ng dalawang Sandiganbayan justices ang kaso ni dating Pangulong Joseph Estrada para makilala at magkapuwesto sa Korte Suprema.

Sa panayam kay Shariff Kabunsuan Rep. Didagen Dilangalen, hindi na ito nagtaka na kabilang ang pangalan nina Sandiganbayan Special Division Justices Teresita Leonardo-de Castro at Associate Justice Francisco Villaruz, Jr. sa kandidato sa Kataas-taasang Hukuman.

Ayon sa kongresista, lahat ng nagtatrabaho sa korte ay nangangarap na makasama sa hanay ng mga mahistrado sa Korte Suprema dahil ito ang pinakamataas na pangarap ng isang abogado tulad nina De Castro at Villaruz.

Ang hindi lamang umano magandang tingnan ay lumalabas na nagamit ng dalawang nabanggit na mahistrado ang kaso ni Estrada para makilala at maka-akyat sa Kataas-taasang Hukuman.

"That (Erap) case is their passport to recognition and higher opportunities," pahayag ni Dilangalen, aminin man umano o hindi nina De Castro at Villaruz.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Legal Counsel Sergio Apostol na mas makakabuti kung tatanggihan na muna nina De Castro at Villaruz ang posibleng nominasyon nila para sa pagka-mahistrado sa SC.

Magugunitang si Sen. Francis Pangilinan ang nagbulgar sa nominasyon sa SC ng dalawang mahistrado na humatol kay Estrada.

"That statement of Senator Pangilinan is addressed to the justices and not to the President pero para hindi na maipit ang presidente, they should withdraw their nomination," ani Apostol sa panayam ng TONITE

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top