Top Stories

Crime Stories


 

HULAAN BLUES

Lady solon nagbubutas na ng bangko mapanukso pa kung magdamit

(Bernard Taguinod)


Binabastos ng isang bagitong lady solon ang session hall sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil hindi ito sumusunod sa pagsuot ng tamang damit na animo’y gumigimik lamang kapag dumadalo ito ng sesyon.

Ito ang napansin ng DPA ng TONITE ukol sa pananamit ng lady solon na puwede nang bigyan ng titulong "worst dressed" sa Mababang Kapulungan.

Halos lahat ng mga kababaihang mambabatas ay ingat na ingat sa kanilang mga isinusuot na damit dahil kagalang-galang ang kanilang trabaho at laging maraming tao sa loob ng session hall.

Subalit tila walang pakialam naman ang lady solon na ito sa dress code sa Kamara dahil kung manamit ito ay parang gumigimik lang o nakikipag-date kung saan-saang gimikan sa Metro Manila.

Malimit kasing maispatan ng DPA ng TONITE na naka-peddle pusher ang lady solon na kahit sa isang simpleng opisina ay hindi pinapayagang ipasuot ng kanilang mga amo.

Isang uri kasi ito ng pantalong pambabae na hanggang tuhod lamang ang haba at hapit na hapit sa legs ng mga babae na karaniwang isinusuot kapag gumigimik lang.

Dahil dito, pinagtitinginan ng mga kalalakihan ang lady solon na animo’y tuwang-tuwa naman ang loka dahil sa dami ng mga babae sa Kamara ay siya ang sentro ng paningin ng mga kalalakihan.

Ang hindi alam ng lady solon, natutukso lamang sa klase ng kanyang pananamit ang mga lalakeng mambabatas dahil hapit na ay napakanipis pa ng pantalon niyang suot.

Kung pagtitinginan man din ito ng mga kababaihan, hindi naiinggit ang mga ito sa kanya bagkus ay naaasiwa dahil hindi naman gimikan ang loob ng session hall para magsuot ng ganitong klaseng damit.

Ang malupit, hindi pa naririnig ang boses ng lady solon sa loob ng session hall at nagbubutas lamang ito ng bangko gayung isa ito sa inaasahan na mag-aangat sa mga kabataan dahil sa kanyang "napakabatang edad".

Clue: Ang lady solon ay mula sa isang malayong lalawigan sa Visayas region. Kung siya ang pinakabata sa Kamara ay hindi ko sasabihin subalit mayroon itong inisyal na T as in Tukso ang mga damit na suot. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top