PUSHER NG SHABU DUMAYO SA MAYNILA, NATIMBOG

Digital camera vs Motorsiklo Gang

Nagbirong manghoholdap ng Bumbay, kalaboso

Jeepney snatchers umatake

Bangkay ng ginang nadiskubre sa umalingasaw na amoy

Chief security binaril

Trip mag-suicide kapag nalalasing, natuluyan


Hulaan Blues

Top Stories


 

CRIME STORIES

Iniimbestigahan ni Chief Inspector Alex Navarette ang suspek na si Fernando Santos na isa umanong tulak ng shabu. (Devery Mark Alegata)

PUSHER NG SHABU DUMAYO SA MAYNILA, NATIMBOG

(Lily Reyes)


Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang lalaki na umano’y dumayo pa para magtulak ng shabu kahapon ng tanghali sa Sta. Cruz, Maynila.

Pansamanatalang nakapiit sa tanggapan ng Manila Police District-District Special Police Unit (MPD-DSPU) ng Manila City Hall ang umano’y dumayong tulak na nakilalang si Fernando Santos, 41-anyos, may-asawa, vendor at naninirahan sa Lubao, Sta. Cruz, Pampanga.

Ayon kay Chief Inspector Alexander Navarette, hepe ng Special Operation Branch ng MPD-DSPU, naaresto ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Santos bago mag-alas-12:00 ng tanghali kahapon sa Quiricada St., Sta Cruz, Manila.

Sinabi pa ni Navarrete na bagag na bangag pa umano ang suspek sa ipinagbabawal na droga nang maaresto ito ng kanyang mga tauhan.

Habang nasa loob ng nasabing tanggapan ng pulisya, sinabi umano ng suspek na taga-Pampanga siya at isa sa kanyang pinagkakakitaan ay ang pagiging vendor. Inamin din umano ng suspek na nagsisilbi siyang "runner" ng shabu sa naturang lugar sa Maynila.

Isang lalaki na kinilala lamang ng suspek sa alyas na "Dodong" ang isinigaw na siyang ‘nagpapatinda’ umano sa kanya ng shabu.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa batas laban sa mga ipinagbabawal na droga ang naarestong suspek. 

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top