Kinumpirma kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na pinaimbestigahan niya sa namayapang Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang pagbili ng may P973.6 milyong mga baril para sa Philippine National Police (PNP) ng DILG.
Honest Kutsero --- Bihira na sa panahon ngayon ang taong tapat gaya na lamang ng kutsero sa Intramuros, Maynila na si Jaime Cabildo Mayor na hindi nagpasilaw sa napulot na pera na kanyang isinauli sa nakaiwang turista. Umabot sa 40 piraso na 100 Euro bills na umaabot ng P272,000 ang naiwan ng isang dayuhan na sumakay sa kalesa ni Mayor upang mag-ikot sa Rizal Park at Intramuros kahapon kung saan agad itong isinauli ng kutsero sa pamunuan ng National Parks Development Committee sa Luneta. (Jonas Sulit)
KAHIT halatang pagod, masaya pa ring humarap si Nora Aunor sa thanksgiving dinner na ini-host ni Gov. ER Ejercito bilang selebrasyon sa na-achieve nila at ng pelikula nilang Thy Womb sa 69th Venice International Film Festival.
USAPANG KAPE ang nakatuwaang itanong ng press kay Anne Curtis sa kanyang media launch bilang newest brand ambassador ng SanMig Coffee Super Packs kamakalawa nang gabi sa Manansala Ballroom ng Sulo Riviera Hotel sa QC.
Nag-dive si Jorella De Jesus para isalba ang bola na saktong tumakip sa mukha ng kakampi sa Ateneo na si Jam Ferrer (3), habang nag-aabang na sumaklolo si Alysse Nacachi (11). Yumuko ang Lady Eagles sa Sandugo-SSC, 25-13, 25-20, 25-9, sa Game 1 ng Shakey’s V-League semis kagabi. (Patrick Adalin)
Nagtatatakbo palabas ng Moro Lorenzo Gym si Air21 rookie Yousef Taha kahapon para makaiwas sa ngitngit ng ilang beteranong player ng GlobalPort (dating Powerade) sa sandaling kaguluhan sa practice match ng dalawang PBA teams.