Editorial

Spy on the Job

For the record

Out of Order

Dos Puntos


 

OPINION

Pera-pera lang...


Good news muna tayo!

Ang laki pala ng itinaas ng Tourism sa bansa ngayong 2007.

Setyembre pa lamang pero tinitiyak na ng Department of Tourism na ang 2007 ay magiging MILESTONE YEAR para sa industriya ng Turismo.

Sa unang anim na buwan pa lang ng taon ay mahigit 1.5 million foreign tourist na ang pumasok ng bansa. Ito ay pagtaas ng 7.6 percent sa parehong panahon noong 2006. Tiyakin lang ninyo na hindi makakasama diyan ang mga kalahi ni Osama Bin Laden ha...anniversary pa naman ngayon ng 9/11 ATTACK.

At hindi lang ‘yan....kapag pinag-usapan ang turismo, usapang pera rin iyan. Inaasahan daw po na sa kabuuan ng taon ay aabot sa 2.9 billion dollars o mahigit sa 133 billion pesos ang lulustayin ng mga turista sa Pilipinas.

Nakasama na kaya sa mga nabilang na turista ng DOT ang mga ZTE officials galing China? Nakasama na kaya sa kuwentahan ang mga LAGAY at SUHOL galing sa mga damuhong ito? Nagtatanong lang po!!!

***

Congrats kay Tourism Secretary Ace Durano at pati na rin kay GM Robert Dean Barbers ng Philippine Tourism Authority. Ayos kayo mga bata!

Ayos naman talagang magtrabaho bilang tindero o SELLER ng Pilipinas itong si Secretary Durano.

Sumablay nga lang siya du’n sa huling ibinenta niya...ang labindalawang senatorial candidates ng TEAM UNITY. Tatlo lang ang nabenta...’yung isa isinasauli pa dahil may daya raw ang timbang.

Senator Migz, huwag kang magtatampo ha... wala naman akong binanggit na pangalan.

Hindi rin naman natin masisisi si Sec. Durano dahil hindi naman siya Diyos para gawin ang imposible.

***

Bukas ay nakatakdang ibaba ng Sandiganbayan ang hatol sa mga kasong kinakaharap ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Pangunahin sa mga kasong ito ang may kinalaman sa PERA... ang kasong plunder. Si Erap ay hahatulan base sa kaniyang mga ginawa sa maikling pamamalagi sa Malacañang.

Ilang buwan na ring gumagastos ng pondo ng bayan ang administrasyong Arroyo para mapahupa ang anumang hindi kagandahang reaksyon sakaling GUILTY ang hatol.

Kinailangan ang PROPAGANDA ng Malacañang para mapigilan ang posibleng tensyon ng HATOL. Hindi po dahil sa gulo na maaaring likhain ng mga naniniwalang walang sala si Erap.

Kailangan ang propaganda dahil sa dami ng mga naniniwalang maraming mas masama kay Erap sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Hay buhay...anim na taon matapos ang EDSA DOS, ang rebolusyong nagpabagsak sa Estrada administration. Pero heto tayo...mas masahol pa.

Habang mainit na pinag-uusapan ang ZTE broadband deal...habang umiinit ang cyber ed project, ang 3.1 billion irrigation... at habang umaalingawngaw pa sa punong tenga ng mga Pinoys ang fertilizer scam, computerization project...etc...etc... hahatulan si Erap.

***

Kaya pala ang aking MAHAL NA PANGULO eh bumuo ng isang International Media Office...para pagandahin ang IMAGE ng Pilipinas sa abroad. Gastos na naman ito.

Tama rin naman ang aking MAHAL NA PANGULO sa pagbuo ng IMO dahil sa mata po yata ng ibang bansa eh mga SUHULIN at mga MUKHANG PERA ang mga Filipino.

Akala po yata kasi ng ibang dayuhan eh madaling magnegosyo dito sa Pilipinas...basta may panglagay at pangtapal sa mga CORRUPT na opisyal.

Ang hindi nila alam eh hindi lahat mukhang pera. Mayroon pa ring ilan na ayaw ng pera... ang gusto kasi eh BABAE O LALAKI. Susmaryosep! At mayroon din talagang malinis. ‘Yun nga lang, iilan na lang ang mga ito... mga ENDANGERED SPECIES.

Hindi ko tiyak kung kakayanin pa ng milyung-milyong COSMETIC SURGERY ang problema sa IMAGE ng Pilipinas.

Hindi na po kasi tatalab ang make-up at lipstick sa makakapal na apog na nakakulapol sa pagmumukha ng mga opisyal ng gobyerno natin.

Ang 2010 ay mabilis na dumarating para sa Arroyo administration. Kailangan nilang magmadali para may maiwang legacy o bunga na pipitasin na lamang ng susunod na pangulo.

Ang problema, nagmumukhang pandak ang mga nagawa ng aking MAHAL NA PANGULO sa laki ng mga ga-higanteng kontrobersya ng pandaraya, pagnanakaw at pagsisinungaling na yumanig sa kaniyang administrasyon.

Kaya hindi ako magtataka na sa huli...bumili na lang ng pang-LEGACY o bunga ang aking MAHAL NA PANGULO... tutal nadadale naman nila ang lahat dahil sa pera.

gerrybaja@yahoo.com

 

 

 

 

 

 

Website comments and suggestions contact:

webmaster@abante-tonite.com

publisher@abante-tonite.com

 

Copyright © 2005 

Monica Publishing Corporation

Best viewed in 1024 x 768 resolution.

All rights reserved

 

   

 

Back to top