Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
SPORTS NEWS


Payo ni Jawo
Al S. Mendoza
 
Nasalubong ko si Robert “Jawo” Jaworski sa Mall of Asia noong Sabado.
“Anong meron?” bungad niya? “Kamusta ang pamilya?”
“Mabuti naman,” kako. “Salamat.”
Anupa’t napalibutan agad kami ng mga fans.
May nagpamirma ng awtograp.
May nagpakodak kasama siya.
Merong isa dala ang bola.
“Pakipirmahan naman aydol itong bola ko.”
Malakas pa rin ang hatak ni Jawo. Walang kupas.
Madalas na raw siya sa Amerika ngayon.
“Medyo nakakawalang gana kasi sa bayan natin,” sabi niya. “Pulos kalokohan halos ngayon dito.”
Pinansin niya ang aniya’y masaklap na katayuan ng Philippine sports ngayon.
“Bakit ngayon, parang pinipilit nating maglaro para sa bansa ang ilang atleta natin?” tanong niya. “Dati, nagpapakamatay tayong makasali sa national team.”
Binaggit ko ang pag-uwing bigla ni Franz Pumaren para mag-coach sa La Salle noong Sabado. Iniwan ni Franz ang RP Team sa Iran.
“Kawawa ang mga batang iniwan niya sa Iran,” ani Jawo. “Para silang nawalan ng Tatay.”
Hindi man niya sinabi, ipinahiwatig niyang napakarami ring gustong mag-coach ng national basketball team.
“Bad example iyong kay Franz,” sabi niya.
Iko-coach nga ba niya ang Air21?
“Nag-uusap pa kami,” sagot niya. “Maayos silang kausap. Saludo ako kina Mr. Lina (Bert, may-ari ng Air21) at Mr. Alvarez (Lito, manedyer).”
Iniisip din ni Jawo na masasaktan si Bo Perasol, ang coach ng Air21, kapag pumasok siya sa Air21.
Natalo pa mandin ang Air21 sa Ginebra sa PBA Fiesta Finals matapos makauna sa 3-2 ang Express.
“Sa lahat ng ayaw ko ay ang makasakit ako,” aniya. “Mas gusto kong ako ang masaktan kaysa makasakit ako ng iba.”
Ilan kaya ang katulad niya sa mundo?

 


Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES