Tinanghal na kampeon si top seed Raymond Salcedo, sa pamamagitan ng pananaig sa tie-break para sa September edition ng MCC non-master standard chess tourney.
Ito’y matapos humirit ng draw si Salcedo laban kay Marco Polo Rosete sa fifth & final round ng torneo na ginanap sa St. Francis Square sa Mandaluyong.
Nagtipon ng total output na 4 points si Salcedo sa likod ng three wins at two draws para tumabla sa first-third places kasama sina no. 5 Rosete at no. 2 Merben Roque ng RTU. Pero dahil sa mas magarang tiebreak, iniuwi ni Salcedo ang champion trophy at nakihati sa P6,000 cash prize.
Ibinulsa ni Rosete ang runner-up honors habang si Roque, nanaig kay no. 3 Rodolfo Mendoza, ay third. Itinanghal na best youth at unrated players sina Timothy John So Kua ng Adamson at Samuel Visperas, ayon sa pagkakasunod.
|