Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
SPORTS NEWS


  Dayuhan dagsa sa World 10-ball event sa Setyembre 29
 
 
Muling masisilayan ng mga Pinoy si Daryl Peach, ang tumalo kay Roberto “Superman” Gomez sa finals ng 2007 world 9-ball sa Araneta Coliseum, upang pangunahan ang mga dayuhang sasargo sa kauna-unahang World Ten Ball Championship na gaganapin sa Philippine International Convention Center simula sa Setyembre 29.
Mahigit sa 100 foreign players ang nagpatala sa torneo, na itinuturing na pinakamalaking billiards event sa mundo ngayong taon, at inaasahang papalit sa 9-ball championship.
Makikitumbok din sina reigning straight ball champion Niels Feijen ng Netherlands, World 8-Ball king Ralf Souquet ng Germany, Johnny Archer ng US, Wu Chia-ching at Ko Pin-yi ng Taipei, at ang kampeon ng ilang Ten Ball events sa US na si Shane Van Boening.
Apat na women’s champions na ang nasama sa listahan ng mga magla­laro sa pangunguna ni da­ting 9-ball winner Lin Yuan-chun.
Unti-unti nang uma­angat ang Ten Ball pool event sa mundo, at hawak ng Pilipinas ang prangkisa para maging punong-abala ng event sa susunod na limang taon kaya itinuturing na ang bansa bilang billiards Mecca.

 


Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES