Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
SPORTS NEWS


Player ‘di man lang maihatid ang ina
Malou Aquino
 
Dahil sa pagpapalit ng pangalan ng Welcoat Dragons, na simula sa First Conference ay magiging Rain or Shine na, tinitiyak din ang bagong anyo ng koponan.
Kung naging kulelat sila sa mga nakaraang kumperensiya, sa pagsikad umano ng 2008-2009 season ng PBA sa Oktubre 4 ay kakaibang koponan na ng magkaibigang Mr. Terry Que at Raymund Yu ang masisilayan ng mga fans.
Sa paghugot ng Elasto Painters kay Gabe Norwood bilang overall number one draft pick, at ang pagdating ni Solomon Mercado at pagbabalik ni Eddie Laure, bilang mga kapalit ni Joe De Vance, inaasahang lumabas ang Rain or Shine.
Let’s wait and see.
Kasi nagbago nga ang mukha ng ilang manlalaro ng team, pero paano naman ‘yung mga hindi naman pinakikinabangan ng team?
Sana lang ay palitan na rin ng management para lalong lumakas ang kampanya ng Rain or Shine.
***
Masusubukan ang husay ng mga PBA teams sa gaganaping pre-season tournament sa Setyembre 14-28. Hinati sa Group A at B ang mga koponan. Nasa Group A ang Rain or Shine, Barangay Ginebra, Alaska at Purefoods, habang nasa Group B naman ang Coca-Cola, San Miguel Beer at Red Bull.
Ang top two teams sa dalawang grupo ay magsasagupa sa finals.
Unang sasalang ang Red Bull vs San Miguel Beer sa Sept. 15 sa PUP gym (Sta. Mesa); kasunod ang Rain or Shine vs Alaska sa Sept. 17 sa Lyceum University.
At tsika namin, ang finals sa Sept. 28 ay gaganapin sa kare-renovate pa lang na Ynares Gym sa Antipolo.
***
Saksi kami sa UAAP cheer-dance competition noong Linggo sa Araneta Coliseum. Grabe ang attendance sa Big Dome na inabot umano ng 33,000, na karamihan siyempre ay mga estudyante ng walong unibersidad na naglaban-laban.
Muling nagkampeon ang University of the Philippines, runner-up ang Salinggawi ng UST at ang FEU ay 2nd runner-up.
Sa aking opinion, malaki sana ang tsansa ng FEU na mag-kampeon, dangan nga lamang at nagkamali sa bandang huli. Sayang.
Binabati rin namin ang Adamson University pep squad, na malaki na ang improvement. Konting hasa pa at babandera na sila sa susunod na taon.
Magaganda naman ang ipinakita ng lahat ng kalahok, pati na an aming alma-mater na University of the East.
***
Dapat magpakitang-gilas ang player na ito upang hindi kainggitan ng kanyang teammates. Dapat ay ipakita ng pla­yer na karapat-dapat siya sa bagong kontratang pinir­mahan. Pero teka, how true na naka-calendar ang player para sa isang trade na gagawin ng management?
***
Kawawa naman ang mother ng player na ito. Balita namin pagkatapos ng bawat laro ng pla­yer, sa halip na ihatid sa tinitirhang bahay, sa saka­yan lang ng bus ibinababa ng player ang kanyang ina. Nagbago na ba ang player sa kanyang pamilya?
***
Isang panawagan, kung sino ka mang driver ng isang pampasaherong jeep. May nabangga kang kotseng pula noong Linggo ng gabi sa pa­nulukan ng Singalong at Quirino Ave., sa pagitan ng 9:00 at 10:00 pm.
Hindi ka man lang nakunsensyang huminto at bumaba para alamin kung ano ang nangyari sa mga sakay ng kot­se at maging ang naging pinsala nito.
Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo ba naisip na sa ginawa mong pagtakbo eh baka mas matindi pa sa nangyari ang bumalik sa iyo? Na baka mabangga ka rin at ikaw naman ang takbuhan? Lord is always watching us all!

 


Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES