Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
PUBLIC SERVICE
 
Nanliliit sa sarili
Tita Nora
 

Dear Tita Nora,
May boyfriend na po ako pero minsan ay nanliliit ako sa sarili ko. Hindi kasi ako nakatuntong sa college pero siya’y titulado at may maganda ngayong trabaho.
Gustuhin ko mang mag-aral noon ay kapos ang mga magulang ko.
Sa ngayon ay pinalad naman akong magkatrabaho. Pero gusto ko pa ring mag-aral (working student) para naman hindi ako nakakahiya sa pamilya ng boyfriend ko. Gusto kong kurso ay HRM.
Kaya lang po ay medyo nahihiya ako dahil may edad na ako at siguradong mga bata pa ang mga magiging kaklase ko. Nag-aalangan din akong sabihin sa bf ko ang plano ko. Gusto ko sanang makapagtapos para makapaghanap ng mas magandang trabaho o makapag-abroad.
Sana po’y mailathala ninyo ang sulat kong ito. Maraming salamat.

Sandra

Dear Sandra,
Hindi masamang mangarap, iha. Tama ang pasya mong tapusin ang iyong pag-aaral kaya ipursige mo ‘yan. Hindi lang naman ‘yan para sa boyfriend mo o sa kanyang pamilya kundi higit sa sarili mo.
Huwag mong gawing hadlang ang iyong edad para atrasan ang maganda mong ambisyon. Hindi naman kung sakali ang mga taong nakapaligid sa iyo ang makikinabang sa gagawin mo kundi ikaw mismo, kaya huwag kang magpapaapekto.
Isa pa’y huwag mong maliitin ang sarili mo. Tinanggap ka’t minahal ng boyfriend mo nang kung sino ka at kung ano’ng meron ka kaya huwag kang mabahala.
Ituloy mo ang iyong plano at ‘wag kang mahiyang i-open ito sa boyfriend mo. Gaya ko’y siguradong susuportahan ka niyang maabot ang mga ambisyon mo.
Good luck and God bless you.
Love,
Tita Nora

 

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES