Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Epekto ng rollback
editorial


Kasunod sa serye ng rollback sa mga produktong petrolyo at liquefied petroleum gas (LPG) ay nagbababaan na rin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga merkado kagaya ng gulay at karne.
Sa kabila ng kahirapang dinaranas ng sambayanang Filipino, malaking bagay ang nangyayaring pagbaba sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Kahit anong hirap ng buhay ang ating nasasaksihan dahil sa liit ng kita sa trabaho at negosyo, malaking bagay ang unti-unting pagbaba ng presyo ng mga bilihin lalo na ang pang-araw-araw nating pangangailangan kagaya ng pagkain.
Kaya sana ay magtuluy-tuloy na ang ganitong pangyayari upang sa gayun ay guminhawa na ang bawat mamamayang Filipino.
Pero para sa amin, higit na mapapabilis ang pagbaba sa presyo ng mga bilihin kung magiging aktibo sa pagtutok sa trabaho ang Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pagmonitor sa presyo ng mga bilihin.
Naniniwala kaming sa maagap na pagtupad sa tungkulin ng DTI ay makakabili na ang bawat mamamayang Filipino ng mababang bilihin sa merkado.
Subalit kung mananatiling inutil ang DTI sa pagtupad nito sa tungkulin, kahit anong rollback sa mga produktong petrolyo, LPG at pagbaba ng bigas sa merkado ang mangyari ay walang pagbababa sa presyo ng bilihing mapapala ang mga mamimili.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES