Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
TEAM Unity malapit nang mabuo
Gerry Baja


Together Everyone Achieves More! TEAM
Iyan ang campaign slogan na hindi makalimutan ng administrasyon na tila sinisikap buhayin ngayon habang papalapit ang 2010 presidential elections.
Paano nga ba namang makakalimutan ng administrasyon ang kahindik-hindik na sinapit ng TEAM Unity noong 2007 senatorial elections?
Sa 12 kandidato ng Team Unity, tatlo lang ang lumusot sa Senado...ang isa ay pilitan at garapalan pa na naging dahilan ng samaan ng loob ng minsan ay tinawag na TEAM.
Mukhang malaki ang sampalataya ng AKING MAHAL NA PANGULO sa kakayahan at magagawa ng buong team kaya hindi ito kinalilimutan.
Marami nga namang mapapasakamay (makakamit) kapag magkakasama. Parang hindi pa sila kuntento ano po?
Sabi nga ni dating Pangulong FVR... “Kapag sama-sama, kayang-kaya.” Sa susunod naman Apo Eddie ‘yung parang pagluluto ng bibingka...kapag may espasyo pa.
***
Binubuhay ang TEAM Unity hindi para sa 2010 elections. Ito po ay muling ikinakamada para magkaroon na ng posisyon sa gobyerno bago pa ang eleksyon.
Mahirap na nga namang magbakasakali pa. Sa sinapit ng mga kandidato ng administrasyon noong 2007, baka mas malala ang mangyari sa 2010.
Kaya’t mula sa score na 3-9 (3 panalo-9 talo), untin-unting nababago ang mga numero hanggang sa ito ay umabot ngayon sa score na 8-4.
Apat na lang sa kanila ang nananatiling palaboy. Tatlo ang senador samantalang lima na ang naihanap ng posisyon sa gobyerno.
Ang mga wala pang posisyon ay sina dating senador Tessie Aquino-Oreta, Vicente Magsaysay, Cesar Montano at Sultan Jamalul Kiram III.
Ang mga pinalad noon ay sina Senators Joker Arroyo, Edgardo Angara at Miguel Zubiri (ng Maguindanao).
Ang dating mga walang suwerte na ngayon ay mapalad na rin ay sina NEDA Dir. General Ralph Recto, Drugs Board Chairman Tito Sotto, Task Force Head Michael “The Nickel” Defensor ng Terminator 3 (Terminal 3 pala), LWUA Board Prospero Pichay at ang pinakahuli ay si deputy National Security Adviser Luis ‘Chavit’ Singson.
Sa natitirang 20 buwan ng Arroyo administration, kailangang magmadali ng Palasyo sa paghahanap ng mapaglalagyan sa apat pang hindi sinuwerte.
DepEd ang dating nababanggit kay Madam Tessie, pero walang napapabalita kina Sultan Kiram at Vic Magsaysay.
Interesado pa kaya si Kuya Buboy sa posisyon sa gobyerno? Baka naman nagising at natauhan na sa tulong ni Ate Sunshine.
***
Kasing dami ng mga kubrador sa jueteng ang mga bumibira ngayon sa appointment ni deputy National Security Adviser Chavit Singson.
Kung ang appointment ng apat na nauna ay dumaan lang na parang hangin, itong kay Chavit ay parang bagyo.
Lalo pa nang ito ay idepensa ng Malacañang at ipakita ang kuwalipikasyon nito sa trabaho: Si Chavit daw po ay dating pulis...at hindi lang basta pulis. Chief of Police ng Vigan.
Matagal na ang isang minuto para bigyang-katwiran at ipaliwanag ang appointment ni Chavit. Ito ay “prerogative” ni PGMA.
Pero kulang ang maghapon kung iisa-isahin kung bakit hindi ito dapat malagay sa sensitibong posisyon tulad ng National Security Council.
Walang karanasan, walang alam, walang kakayahan at marami pang wala... at ang tanging taglay ay ang hindi matatawarang LOYALTY.
Kaya’t huwag na tayong magpagod at mag-aksaya ng panahon. Nasanay na ang mga Filipino sa mga inilalagay sa gobyerno na bayad utang lang.
gerrybaja@yahoo.com

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES