Sept. 09, 2008 - Tuesday
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
NEWS NEWS
HOME
HEADLINES EDITORIAL AND OPINIONS
Abante Online
HEADLINES
 
Solons nasaktan sa pork
(Bernard Taguinod)
 

Nasaktan ang mga kongresista sa alegasyon na sa kanilang bulsa nauuwi ang pondo sa farm-to-market road imbes na gamitin sa paggawa ng mga kalsada sa kani-kanilang distrito.
Sa magkakahiwalay na pahayag kagabi, pawang pinalagan ng mga administration congressmen ang alegasyong ito at aminadong sumama ang kanilang loob.
Ayon kina Cebu Rep. Antonio Cuenco, Isabela Rep. Rodito Albano at Oriental Mindanao Rep. Rodolfo Valencia, hindi makatarungan sa kanilang hanay ang alegasyon.
“To say the Priority Development Assistant Fund (PDAF) is for farm-to-pocket road and not for farm-to-market road is utterly unfair for us lawmakers who are determined to alleviate the plight of our constituents despite the limited resources we have,” ani Cuenco.
Naglinis-kamay naman si Albano sa pagsasabing maaaring bisitahin ng lahat ang website ng Kamara para malaman ng mga ito na ang kanilang PDAF ay nagagamit sa tamang paraan.
“In fact, anyone can visit the website of the House of Representatives, which has allotted a page on PDAF accounting, the public will know what projects are funded through PDAF funds,” ani Albano.
Sinabi naman ni Valencia na ang pagpapalabas ni Arroyo ng P2.6 bilyon na PDAF ng mga kongresista ay pagtupad lamang ng Pangulo sa kanyang pangako sa kanilang mga constituent.
Hindi umano ito dapat kuwestiyunin ng mga tao dahil mahalaga ang nasabing pondo para maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan lalo na sa mga malalayong lalawigan.

 

Microsoft Internet Explorer 7 EDITORIAL AND OPINIONS PUBLIC SERVICE ENTERTAINMENT SPORTS GREETINGS FEATURES